Advertisers

Advertisers

Qatari Amir makikipagpulong kay PBBM

0 6

Advertisers

MAKARAAN ang mahigit isang dekada, aarangkada ang dalawang araw na state visit sa Pilipinas ng Amir of Qatar na si Sheikh Tamim Bin Hamad Al Thani.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nakatakda ang pagbisitang ito sa bansa ni Al Thani mula Abril 21 hanggang 22 sa Maynila kasunod narin ng imbitasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Inaasahang magpapalitan ng pananaw ang dalawang lider sa mga isyu sa rehiyon at tatalakayin ang mga ugnayang pambansa ng Pilipinas at Qatar na ngayon ay sumasaklaw sa kooperasyon sa mga larangan ng paggawa, pagbabago ng klima, kalakalan at pamumuhunan, seguridad sa enerhiya, edukasyon, kabataan, palakasan, at iba pa.



Magkakaroon din ng courtesy call si Al Thani kay PBBM ngayong Lunes, Abril 22, sa Malakanyang.

Huling nagkaroon ng state visit sa Pilipinas ang Qatari Amir noon 2012. (Gilbert Perdez)