Advertisers
Nasawi ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) nang makasagupa ang militar noong Huwebes sa Iloilo city
Kinilala ang mga nasawi na sina Nahum Camariosa, alyas Rodel/Bebong, Squad Leader ng nabuwag na Southern Panay Front; at isang alyas Junjun/Cedrick/Nenz Regional Sentro de Gravidad (RSDG).
Sa report ng Philippine Army’s 61st Infantry Battalion “Hunter” Battalion, 7:30 ng umaga naganap ang sagupaan sa bulubunduking bahagi ng Barangay Cawilihan, Leon, Iloilo.
Sinabi ng militar na nakaengkwentro nila ang nasa 30 kasapi ng RSDG at natitirang miyembro ng nabuwag na Southern Panay Front (dismantled), na parehong sa ilalim ng Komiteng Rehiyon-Panay of the Communist Party of the Philippines-NPA-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Bago ang bakbakan, nakatanggap ng report mula sa mga residente hinggil sa presensya ng mga armadong grupo na nagsasagawa ng pangingikil at ilegal na aktibidades.
Agad na rumesponde ang mga sundalo sa nasabing lugar at agad silang sinalubong ng mga putok ng baril na nagresulta ng ilang minutong palitan ng putok na ikinasawi ng dalawa.
Mabilis namang umatras patakas ang ibang rebelde.
Narekober sa lugar ang limang matataas na kalibre ng armas, improvised anti-personnel mine, apat na backpacks, at iba pang materyales na ginagamit pandigma.