Advertisers
Inaasahang tataas ang turismo at trabaho sa Bicol Region nang isagawa ang kick-off ng tatlong araw na Bicol Loco Festival.
Tampok sa festival na masasaksihan ang kauna-unahang Hot Air Balloon sa probinsya ng Albay , lungsod ng Legaspi kung saan bida pa rin ang ganda ng Mayon Volcano.
Sa nauna nang press conference, sinabi ni dating Manila Police District Director at ngayon ay PRO 5 Regional Director P/Brig.General Adrei Dizon na nagdeploy sila ng security personnel para sa nasabing aktibidad.
Binubuo aniya ito ng Philippine National police, Philippine Army, Philippine Navy, Philippine Airforce at Philippine Coast Guard .
“Over and above those military and other police forces– we have Bureau of Fire , volunteers , emergency team and the communication group “.
Pagtitiyak ni Dizon sa lahat na pinaghandaan ang seguridad sa buong aktibidad.
Bukod sa hot-air balloon na naglalakihan at makukulay ay ipinamalas din ng mga piloto ang kanilang husay pagdating sa aero exhibitions .
Magkakaroon din ng drone light show at Music Concert Festival at marami pang iba.
Samantala, sinabi ni Bicol party-list Rep.Zaldy Co na ang pagbubukas ng kauna-unahang Hot-air Balloons sa lungsod ay para sa pagpapalakas ng Turismo sa bansa at dahil sa pagmamahal sa mga Bicolanos, pagmamahal upang makabuo ng trabaho at pag-angat sa kabuhayan ng bawat Bicolano.
Sa ganitong paraan magiging maganda rin ang ekonomiya ng bansa dahil sa tourism industry.(Jocelyn Domenden)