Advertisers

Advertisers

Brgy. kagawad tepok sa ambush

0 2

Advertisers

Patay ang isang barangay kagawad nang tambangan at pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek noong Miyerkules sa Negros Occidental.



Kinilala ang biktimang si Reynaldo Jacolbe, 49-anyos, residente ng Sitio Tayubong, Barangay Puso ng naturang bayan.

Sa report ng La Castellana Municipal Police Station, 8:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa Sitio Canorong, Barangay Puso, ng nabanggit na bayan.

Sa ulat, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo patungo sa kanyang sakahan.

Pagdating sa nasabing lugar, bigla na lamang itong pinagbabaril ng mga suspek na tinamaan sa iba’t- ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agarang kamatayan nito.

Matapos ang krimen, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar na pinangyarihan ng krimen, nakapulot sila ng mga basyo mula sa caliber 9mm at caliber .45.

Inaalam na ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek para sa pagdakip sa mga ito.