Advertisers

Advertisers

Mayor Honey nagdiwang ng advanced b-day sa halos 300 seniors na May celebrants din

0 10

Advertisers

NAGDIWANG ng advanced birthday celebration si Manila MAYOR Honey Lacuna sa halos 300 senior citizens na tulad niya ay May celebrants din. Ang kaarawan ng lady mayor ay May 6.

Mayor Honey Lacuna enjoys watching the games joined in by fellow May celebrants who are senior citizens during a party she sponsored at the San Andres Sports Complex. With her in photo are (clockwise) her sister Liza, chief of staff Joshue Santiago, city electdricuan Randy Sadac, OSCA chief Elinor Jacinto, City Engineer Armand Andres, executive assistant Abigail Lacuna and barangay chair Evelyn de Guzman. (JERRY S. TAN)

Ang senior citizens na nasa 284 ang bilang ay Labor Day celebrants din o ang kaarawan ay tumama sa May 1, at nagmula sa anim na distrito ng six Maynila.



Sa nasabing pagdiriwang, pinasalamatan ni Lacuna ang lahat ng senior citizens para sa kanilang suporta at inanunsyo na ang payout para sa monthly allowances ng senior citizens na nagkakahalaga ng P2,000 bawat isa ay ibibigay na ngayong buwan.

“Ito po ang ating maliit na paraan para pasalamatan at ipadama ang pagmamahal sa ating mga magulang, lolo at lola sa city of Manila,” maikling mensahe ni Lacuna.

Sa kabilang banda, ikinalulungkot naman ni Lacuna na may 600 May 1 celebrants sa lungsod, ang iba ay hindi nakarating sa mass celebration sa San Andres Complex dahil na rin sa immobility dahil sa kanilang edad.

Nagpahayag din si Lacuna ng pasasalamat dahil senior na rin siya sa susunod na taon ay senior na rin siya.

“Sa ngayon, sine-celebrate ko na din as 60. Gusto ko ipaaala sa sarili ko na next year, senior citizen na din ako at tropa ko na din kayo. Meron na din akong OSCA card,” pahayag Lacuna.



Matatandaan na noong isang taon ay nagdiwang din siya ng kaarawan sa mga May 6 celebrabts.

Ang mga senior citizens ay sinundo at hinatid ng mga bus at binigyan ng mga gamot, cakes at iba pang tokens, bilang birthday gift mula sa alkalde mismo.

Sa kanyang mensahe: ” Gusto po lamang natin na mag-enjoy kayo ngayong umaga. I- celebrate ang kaarawan nang may saya at panalangin na biyayaan pa tayo ng magandang kalusugan nang makasama pa natin nang mas matagal ang ating mga pamilya at mahal sa buhay,” sabi ni Lacuna.

Umabot ng dalawang oras ang selebrasyon ng alkalde sa mga senior citizens kung saan sila ay nagsayawan, nagkantahan, nagkainan at naglaro ng iba’t-ibang parlor games. (ANDI GARCIA)