Advertisers

Advertisers

Beybi nagulog sa salbabida, nalunod sa pool

0 11

Advertisers

Nasawi ang isang sanggol nang malunod nang tumagilid ang sinasakyan nitong salbabida nang iwanan mag-isa sa swimming pool sa Rodriguez, Rizal.



Naisugod pa sa H-Vill Hospital ang biktimang si baby Kyle John, 1-taong gulang, at residente ng Batasan Hills, Quezon City ngunit idineklara na rin patay ng mga doktor.

Sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station, ala-1:00 ng hapon ng Mayo 3 nang maganap ang insidente pero 8:10 ng umaga lamang noong Sabado nang maiulat ito sa mga pulis.

Kasalukuyan umanong nagsu-swimming ang pamilya ng biktima sa loob ng Emi­lianas Resort sa Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal nang magpasya ang mga magulang ng bata na isakay ito sa isang salbabida.

Sa pag-aakalang ligtas ang anak dahil nakasakay sa salbabida, iniwanan itong mag-isang nakalunoy sa swimming pool.

Nang aksidenteng sumingaw ang gamit nitong salbabida kung kaya lumubog ang biktima na hindi agad napansin ng pamilya nito.

Lumalabas na sumi­ngaw umano ang hangin ng salbabida habang nakasakay ang bata na hindi napansin ng kanyang pamilya sanhi upang tumagilid ito hanggang sa mahulog ang beybi sa tubig at malunod.

Nang makita naman ng mga kaanak na nawawala na ang bata ay kaagad na nilang hinanap hanggang sa matagpuang nakalubog na sa ilalim ng swimming pool.