Mayor Honey inanyayahan ang mga residente ng Tondo na dumalo sa pinaganda at pinalakas na ‘Kalinga sa Maynila’
Advertisers
INAANYAYAHAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang lahat ng Tondo residents na dumalo sa pinaganda at pinalakas na ‘Kalinga sa Maynila’ na nag-aalok ngayon ng mas malawak na serbisyo upang mas marami ang matulungan.
Sinabi ni Lacuna na maliban sa medical consultation, ang mga residente na dadalo sa ‘Kalinga ‘ ay makakatanggap din ng mga libreng gamot, deworming, rabies vaccination, civil registry services, tricycle or parking registration, identification cards para sa persons with disability, solo parents at senior citizens, clearing and flushing operations, water, electricity and building permit inquiries, notary services, police clearance, job vacancies at iba pa.
Ang nakatakdang ‘Kalinga’ ay ganapin sa May 8 a.m. sa Capulong Street, Tondo, Manila, sa mga Barangays 92 at 93.
Sinabi ng alkalde na ang mga pangunahing departmento, kawanihan at tanggapan na karaniwan ng pinupuntahan ng mga residente sa Manila City Hall ay kakatawanin sa forum ng mga opisyal na handang sumagot sa mga katanungan, concerns and suggestions.
Kabilang dito ang mga sumusunod:MTPB – Manila Traffic and Parking Bureau, Department of Public Services-Manila, Department of Engineering and Public Works, Manila, Manila Police District, Manila Barangay Bureau, Manila Civil Registry Office, City Legal Office, Manila, Manila Health Department, Manila Department of Social Welfare, Public Employment Service Office – City of Manila,
Manila OSCA, Manila Veterinary Inspection Board and City Treasurer’s Office Manila.
Ayon pa kay Lacuna, magkakaroon din ng job fair sa nasabing lugar kung saan ginagawa ang ‘Kalinga’ at ito ay bukas sa lahat ng mga residente maging sa mga katabing barangays.
Mayroon ding booths sa labas ng venue na may kinatawan mula sa mga tanggapan, kawani at departamento para mag-entertain ng concerns at requests para sa assistance mula sa mga residente na may reservations para sa kanilang idinudulog na usapin sa forum.
Ang ‘Kalinga sa Maynila’ ay regular na ginagawa upang dalhin ang pangunahing serbisyo ng pamahalaang lungsod ng higit na malapit sa sa mga barangays.
Sa ganitong paraan, hindi na kailangan pang gumastos ng pamasahe at makakatipid pa sila ng oras at panahon dahil ‘di na sila pupunta pa ng City Hall para dalhin ang anumang katanungan, concerns at suggestions na kailangan nilang hanapan ng sagot. (ANDI GARCIA)