Advertisers

Advertisers

NBI hinimok si Quiboloy na sumuko na

0 1

Advertisers

Hinimok ng National Bureau of Investigation (NBI) si Apollo Quiboloy na sumuko na matapos mabigo siyang mahanap ng mga awtoridad sa distrito ng Calinan, Davao City noong Linggo.

Ang mga agent mula sa NBI-Central Mindanao regional office ay nagtungo sa ari-arian ni Quiboloy sa Brgy. Tamayong kasunod ng mga ulat ng mga sasakyang pumapasok at umaalis sa lugar.

Nabigo naman ang mga awtoridad na mahanap si Quiboloy sa nasabing lugar.



Sinabi ni NBI-Davao region chief Arcelito Albao na patuloy ang paghahanap kay Quiboloy ng joint team na binubuo ng mga agent mula sa NBI at Criminal Investigation and Detection Group gayundin ng iba pang ahensya.

Noong Abril, sinabi ni Department of Justice Assistant Secretary Jose Dominic Clavano na nasa Pilipinas pa rin umano si Quiboloy.

Matatandaang isang korte sa Davao ang naglabas ng warrant of arrest laban kay Quiboloy at limang iba pa dahil sa kaso ng child abuse.

Naglabas din ng warrant of arrest ang korte sa Pasig para kay Quiboloy para sa mga kasong human trafficking.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">