Advertisers

Advertisers

3 Koreans na wanted sa robbery, nadakma ng BI

0 13

Advertisers

NADAKMA ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) nitong Biyernes sa Cebu ang tatlong South Korean nationals na wanted sa kanilang bansa sa kasong robbery.

Sa isang statement, kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang tatlong pugante na sina Han Jungwoo, 37, Jo Woongje, 36, at Lee Chihoon, 25, na naaresto sa Talisay City noong May 3 ng mga elemento sa fugitive search unit (FSU) ng BI.

Sinabi ni Tansingco na ang mga Koreans ay subject ng red notices na ipinalabas ng Interpol dahil din sa ipinalabas na arrest warrants ng Korean court laban sa tatlong pugante.



Ang nasabing warrants ay inilabas noong January ng eastern district court sa Seoul matapos na magsampa ng kasong robbery ang mga awtoridad laban sa tatlo.

Ayon kay Rendel Ryan Sy, acting chief ng BI-FSU, ang tatlong suspek ay inakusahan na gumagamit ng sophisticated instruments tulad ng tracking devices at surveillance cameras upang lihim na manmanan ang kanilang biktima ar makuha ang kanilang passwords at personal information.

Ang mga nakukuhang data ay ginamit ng mga suspects upang ma-breach ang security ng bahay ng kanilang biktima at saka nila ito pinagnakawan ng mga gamit na nagkakahalaga ng mahigit 4.5 million won o katumbas ng US$3,300.

Ang tatlo ay dadalhin sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City kung saan sila mananatili habang naghihintay ng kanilang deportation.

Sinabi ni Tansingco na dahil sa resulta ng kanilang pagkakaaresto, ang tatlong pugante ay ilalagay sa BI blacklist at hindi na makakapasok ng Pilipinas. (JERRY S. TAN)