Advertisers
ANG itim na Bell 429 Global Ranger helicopter ni Pastor Apollo Quiboloy ay namataan umiikot ng maraming beses sa kanyang “Glory Mountain and Prayer Mountain” Martes (Mayo 7) ng hapon. Hindi lang tiyak kung sakay nito ang kontrobersiyal na pastor.
Si Quiboloy ay nakakatakas sa mga pag-aresto sa kanyang tatlong warrants of arrest: mula sa Senado noong Marso 19, sa Davao City court noong April 1, at sa Pasig City court noong April 11 sa iba’t ibang kaso kabilang ang human trafficking, child abuse at sexual abuse.
Hindi parin matagpuan ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng Philippine National Police (PNP) si Quiboloy, pero sinabing nasa bansa pa ang pugante.
Sinabi ni PNP Region 11 spokesperson Major Catherine dela Rey sa MindaNews nitong Miyerkoles, May 8, na ang manhunt operations ay “still ongoing.”
Noong May 3, ang NBI ay nagtungo sa Prayer Mountain and Glory Mountain ni Quiboloy, pero hindi raw nila natagpuan ang pastor.
Noong April 10, ang Office of the Senate’s Sergeant at Arms kasama ang NBI at PNP ay nagtungo sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound, katabi ng Davao International Airport, sa kanyang vacation house sa Samal Island at kanyang Prayer Mountain and Glory Mountain, para isilbi ang warrants kay Quiboloy pero wala raw ito doon.
Hinanap nila si Quiboloy by land at by sea pero hindi raw nila matagpuan. Pero namo-monitor ba ng mga awtoridad ang mga sasakyang panghimpapawid ni Quiboloy, na magmamay-ari ng Bell 429 helicopter at private jet.
Nang sundan ang May 7 flight path ng helikoper (RPC8488) ni Quiboloy, gamit ang Flightradar app, nakita ng MindaNews na lumipad ito mula sa Apollo Air hangar sa KOJC compound katabi ng airport 10:20 ng umaga at bumalik 11:15 ng umaga.
Ang helicopter ay lumipad patungo Tamayong, kungsaan umikot ito ng maraming beses sa Glory Mountain 10:40 ng umaga.
Matapos umikot-ikot sa Glory Mountain, ang helicopter ay nagtungo sa Prayer Mountain sa Tamayong, umikot uli at nagtungo sa Tigatto / Mandug area at lumanding 11:08 ng umaga. Lumipad uli ang helicopter at lumanding sa KOJC compound 11:15 a.m. ( Mula sa MindaNews -Carolyn O. Arguillas, Manman Dejeto)