Advertisers
LUMIPAD na ang top Filipino jumper Janry Ubas patungong Japan Sabado upang ipagpatuloy ang kanyang paghalungkat na makapasok sa Olympics.
Ang 11th Kinami Mitchitaka Memorial Athletics Meet, ay magsisimula sa Yanmar Stadium Nagai sa Osaka Japan Linggo, ay bronze category event sa World Athletics Continental Tour.
“Ang goal ko sa Japan ma-hit ang Olympic qualifying standard na 8.27 (meters), or maka-podium para makakuha ng dagdag points ko sa world ranking (My goal in Japan is to hit the Olympic qualifying standard of 8.27 meters, or to be on the podium to get more points in the world ranking),” Wika ng 30-year-old Ubas, na pinanganak sa Villanueva town sa Misamis Oriental.
Ang qualification window para sa Paris ay nagsimula Hulyo 1, 2023 hanggang Hunyo 30,2024. Ang athletes ay ma-qualify sa pamamagitan ng entry standard na may pahintulot ng World Athletics, or ang world ranking.
Ubas ay nagtagumpay sa International Container Terminal Service, Inc. (ICTSI) Philippine Athletic Championship Miyerkules, kung saan siya ay nagrehistro ng 7.83 meters.
Nagwagi siya ng gold medal (7.58m) sa Singapore Open nakaraang buwan at nakuha ang bronze (7.61m) sa HongKong Athletics Championship nakaraang Linggo.
Ubas, naging miyembro ng national team noong 2015,pomuste ng 7.85m para masungkit ang kanyang unang gintong medalya sa 2023 Southeast Asian Games sa Cambodia.