Advertisers
Ni MERCY LEJARDE
AYON sa ilang Marites na kasamahan din namin sa panulat ay pumapalag daw si Denise Laurel na matawag na Deniece Cornejo.
Iba raw raw ang spelling ng kanilang mga pangalan. At never daw nadawit kay Vhong Navarro scandal ang kanyang namesung. Katunog lang daw ng pangalan niya ang Deniece na lately ay nasentensyahan ng kulong for life dahil sa naging scandal nila noon nina Vhong at Cedric Lee.
“Actually, hindi naman ako galit..napapagod lang!” tahasang sabi ni Denise.
Sa Instagram Reel, ipinakita niya ang compilation ng mga messages na natatanggap niya mistaking her for Deniece.
Ilan sa mga ito’y kung totoo bang life term ang sentence sa kanya.
May “pagkamaldita” pa nga ang sagot ni Denise para malaman ang malaking pagkakaiba nila ni Deniece.
Aniya: “I serve talent not ‘foods’!”
Kung matatandaan, naging pamoso ang linya ni Deniece asking Vhong na papunta sa kanyang condo unit na “bring foods.”
Kaya nga siguro nasabi ni Denise Laurel na “I serve talent not foods!”
Oo nga naman, for the longest time ay talent sa pagganap ang ibinibigay niya sa kanyang mga manonood.
Kumbaga, she’s not a Laurel for nothing!
Sabi pa nitong si Denise ay tantanan na daw siya ng mga tribu ni Mosang sa social media.
“Mine is Denise with an S…sssss!” added na sey pa ni D.L. as in Denise Laurel. Boom, yun na!
***
“All-Time Saya” kasama ang KathNiel, LizQuen, at JaDine sa ALLTV
“PANGAKO SA’YO (2015),” “FOREVERMORE,” AT “ON THE WINGS OF LOVE,” IPALALABAS SA ALLTV GABI-GABI SIMULA MAYO 13
TATLO sa pinakaminahal na Kapamilya teleserye—“Pangako Sa’yo (2015),” “Forevermore,” at “On The Wings of Love”—ang bubungad sa bagong primetime block ng ALLTV na “All-Time Saya” kasama ang “Minute To Win It” at “TV Patrol” simula Lunes (Mayo 13).
Pagkatapos ng simulcast ng “TV Patrol,” maaari nang balikan ng mga manonood ang pag-iibigan nina Angelo at Yna na ginampanan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa hit remake ng “Pangako Sa’yo” Lunes hanggang Biyernes, 8 pm. Kabilang din sa programa sina Ian Veneracion bilang Eduardo at sina Jodi Sta. Maria at Angelica Panganiban sa papel ng magkalaban nang dahil sa pag-ibig na sina Amor at Claudia.
Matutuwa naman ang “Forevermore” fans na saksihan muli ang pagmamahalan nina Xander, isang anak ng hotel magnate, at Agnes, dalagang anak ng isang strawberry farmer. Mapapanood ang hit teleserye na kinunan pa sa Sitio La Presa sa Baguio tuwing 8:45 pm.
Isa pang magandang kwento ng pag-ibig ang matutunghayan pagsapit ng 9:30 pm sa “On The Wings of Love” tampok sina Leah na binigyang buhay ni Nadine Lustre at Clark na ginampanan ni James Reid na mapipilitang magpakasal sa Amerika.
Magsisimula ang saya sa ALLTV primetime tuwing 5:45 pm tampok ang simulcast ng game show na “Minute To Win It: Replay” ni Luis Manzano na kasabay ring napapanood sa Kapamilya Channel.
Namnamin ang “All-Time Saya” sa ALLTV na napapanood sa Channel 2 sa free TV, cable, at satellite TV nationwide. Para manatiling updated, sundan ang ALLTV (@alltvph) sa Facebook, X (formerly Twitter), Instagram, TikTok, at mag-subscribe sa YouTube channel nito.