Advertisers
Ni BETH GELENA
KAHIT hindi nagkakausap ang mag-inang KC Concepcion at Sharon Cuneta ay hindi nakalimot ang una na batiin ang ina sa Mother’s Day.
Nagbigay ng message si Mega daughter sa kanyang ina pagkatapos nitong nagsalita na “estranged” sa kanya ang panganay na anak.
Isang heartfelt Mother’s Day message ang pinost ni KC kung saan pinakita niya kung gaano kamahal ang ina kahit ‘estranghero’ siya rito.
Alam ng lahat na ang relasyon ng mag-ina ay complicated. Marami silang issues na laging pinagpipiyestahan sa showbiz.
But, despite everything, hindi nakakalimot ang TV host/actress/entrepreneur na kapag may mga special occasion ay hindi nakalilimot si KC na magpadala ng mensahe sa ina.
Katulad na lang kamakailan, may na-mention ang veteran showbiz insider Cristy Fermin sa kanyang programa sa alegasyong rason kung bakit may conflict na naman sa pagitan ng mag-ina.
May alegasyong sinanla umano ni KC ang isang importanteng item na pag-aari ng ina nang wala itong kaalam-alam.
Ni-request pa umano ni KC sa kanya na huwag na raw iyong pag-usapan.
Dahil dito ay nag-file si Megastar with Kiko Pangilinan ng cyber libel case against Cristy.
Sa panayam kay Sharon, sinabi niyang “estranged” ngayon ang relasyon nilang mag-ina.
Pero, di raw ibig sabihin nun ay hindi niya mahal ang anak. Hindi raw nawawala ang pagmamahal niya rito.
Sa Instagram ni KC ay nagbahagi siya ng throwback photo nilang mag-ina at sinulatan ng heartfelt message para sa Araw ng mga Ina.
“To my beautiful mama, it’s your day. I pray for us to enjoy life’s pleasures and adventures together soon. You’re the first person I ever met, and ever loved, it’s because of you that I’m here today. Trust in the way you raised me — I will always strive to make you proud and feel that having me was worth it. I love you.”
***
NASA Siargao Island ngayon si Nadine Lustre.
Wala siyang sawang naglulunoy sa karagatan para ibabad ang katawan sa tubig kahit mainit ang sikat ng araw.
Post ng winning actress: “w.a.y.s”
Heto na naman ang komento ng netizens na walang kasawa-sawa sa aesthetic words.
Anila: “dati sa Milan, Italy nag-eestitik ngayon sa Siargao naman.”
“Ang ganda ng pusod ni Nadine parang Sim card slot.”
“Finally the Queen Bikini is back!”
May nagre-request namang, “collab film naman dyan Nadine, Paulo and Kim”
“Direk baka pwede Naddie and Quen movie/teleserye,” sey naman ng isang commenter.
“We miss OTWOL so much,” nakatatak pa rin sa isipan ng JaDine fans.
“Born to be estitek”
“Ang init naman teh”
Isa rin si Sarah Lahbati sa lumulutang na pix ni Nadine.
“Queen of the Sea”
“OA ka na sa ganda Nadine”
***
VILMA, MARICEL, SHARON, PIOLO, ALDEN AT DONGYAN, INISNAB NG URIAN
INISNAB ng 47th Urian ang pelikula nina Vilma Santos, Maricel Soriano, Sharon Cuneta, Piolo Pascual, Alden Richards at maging ang blockbuster na Rewind nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Hindi nasama sa kanilang nominasyon ang mga artistang nabanggit.
Tanging ang maglalaban para sa Best Actress ay sina Kathryn Bernardo, Charlie Dizon, Gabby Padilla at Max Eigenmann.
Sa Best Actor naman ay sina Romnick Sarmenta, Paolo O’Hara, Euwenn Mikaell, Cedrick Juan, Jansen Magpusao at Carlo Aquino.
Tanging ang Firefly at Gomburza lang na pinalabas last 2023 Metro Manila Film Festival ang nakapasa sa panlasa ng mga manunuri.
Komento naman ng netizen, “Yung hater ni KB galit pa din yan sa set ng nominees ng Best Actress, oh ito po guys mismo Urian na yan ha na acknowledge yung portrayal nya sa AVGG..unahan ko na kau npakadelusional ko po”
“True. Nomination lang, may mga triggered na. Eh, may iba nga na hindi fans niya or ng movie nagsabi na nag standout siya dun.”
“May tulog si K kay Charlie, sorry!”
“Sorry pero yung mga best actress nominees nakakataas ng kilay. No maricel soriano? Vilma santos? Sharon cuneta? Kay charlie na lang kung yan lang ang choices.”
May nag-esplika, “Urian is different! Filtered & short listed palagi ang nominees nila. Ayaw nga nila sa mainstream. Rare lang ang nanalo sa kanila na mainstream. Hindi porket Nora or Vilma ka, pwede na nilang isama sa nominations kahit hindi naman papasa sa kanila. Mas gusto nila ang “The Who” or yung hindi favorite as a winner! Usually yung “sole nominee” ang winner nila.”
“Awww ang cute na nominated as best actor si Euwenn!”
“Urian favors indie film. I watched AVGG sorry nakulangan ako sa acting ni Kathryn, maypaka cringe! Problema kay K pag umiyak na hindi mo na maiintindihan ang dialogue nya. First time ko na hindi tinapos ang movie ni KB”
“Kathryn is bulol kasi. Pabebe magsalita pa. She should have speech therapy to fix her being bulol”
“Na snub si Piolo sa Best Actor for Mallari”
“I agree but it’s ok, magagaling din ang nasa ibang list. Nasa nominee naman siya ng best supporting sa gomburza.”
“Pasok sa banga ng urian ang dark humor ni KB sa AVGG…keber sa mga critics wanabe…manalo, matalo, atleast narecognized.”
“Si charlie more on critically acclaim actress na di na siguro sisikat ng todo but award winning”
“Charlie is not as popular as Kathryn but she is definitely a better actress. Rooting for her”
“Roderick paulate and maricel soriano deserving ma nominate man lang”
“Grabe yung back to back nominations ni KB, famas and urian”
“Charlie Dizon over Kathryn Bernardo. Pag nanalo si K diyan, goodbye prestige na ang Urian. Not a basher but a viewer here”
“Congrats Alessandra pareho nominated na Best Supporting Actress sa Famas at Gawad Urian.”