Advertisers

Advertisers

Gadon hiningi kay Zubiri sibakin si Bato bilang committee chair

0 17

Advertisers

“Authenticity is different from credibility.”

Ito ang rason ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon nitong Miyerkules nang hingin ng opisyal na sibakin ni Senate President Miguel Zubiri si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa bilang chairman ng Senate committee on public order and dangerous drugs.

“Iba ang authenticity sa credibility … Sabi ni Bato authentic daw yun xerox ng report .. but authenticity refers only to the FORM, office form..
Anybody can just fill up an office form and claim it is authentic . Kasi office form, pero iba naman ang credibility, if the superior REJECTS the report for lack of credibility then THERE IS NO REPORT EXISTING!!!!,” paliwanag ni Gadon.



Dagdag pa niya, bumabase lamang si Sen. Dela Rosa sa “tsimis” nang ipilit nitong iprisinta si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales, na tinawag na ni President Bong Bong Marcos na “professional liar” at inihalintulad pa sa isang “jukebox.”

“In a court of law , itatapon ng judge ang dokumento for being just a hearsay as the contents are not from the PERSONAL knowledge of the person but coming from a polluted, unidentified, non existing , fabricated source!,” paliwanag pa ni Gadon.



Pinakiusapan niya si Sen. Zubiri na tanggalin na si Bato bilang chairman ng nasabing komite at pagbayarin sa lahat ng nagastos sa mga nakaraang pagdinig, at ipatigil na ang balak pa nitong pagpapatuloy ng imbestigasyon sa paggamit ng droga ng pangulo.

Sabi ni Gadon, nasasayang ang pera ng taong bayan sa oagdinig na ito na wala namang patutunguhan.



“Dapat tanggalin si Bato sa pagiging Chairman ng Committee dahil inaaksaya lamang nya ang pera ng gobyerno. At dapat ay ipa refund sa kanya ang gastos ng mga hearing na yan,” sabi pa ni Gadon.

Aniya, hindi nga maipaliwanag nang mabuti sa English ni Bato ang kanyang saloobin, mano pa sa kanyang baluktit na pagtatagalog.

Naihayag pa ni Gadon na nakapanghihinayang na wala na ang dating mahuhusay na miyembro ng senado na talagang mahusay sa kanilang mga gawain di gaya ng mgabtulad ni Bato.