Advertisers
NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa sa mga salarin sa pananambang sa isang photojounalist noong 2003 sa bisa ng warrant of arrest.
Sa ulat kay QCPD Director, Brigadier General Redrico A Maranan, nadakip ang itinuturing din No. 9 District Level Most Wanted Person at sangkot sa pananambang kay Joshua Abiad ng Remate noong Hunyo 29, 2023, 3:50 ng hapon sa kanto ng Corumi, at Gazan Sts., Barangay Masambong, Quezon City.
Ayon kay Major Don Don Llapitan, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), ang suspek ay nakilalang si Jomari Campillo, 25 anyos, residente ng Brgy. Cembo, Makati City. Siya ay nadakip 12:00 ng tanghali ng Mayo 14, 2024, sa harap ng Quezon City Hall of Justice.
Si Campillo ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder at 3 counts frustrated murder mula sa sala ng Branch 86, Regional Trial Court (RTC), Quezon City.
Kaugnay nito, pinuri ni Maranan ang mga operatiba ng CIDU sa ilalim ni Maj. Don Don Llapitan sa mtagumpay na operasyon.
Matatandaan, si Campillo ay unang dinakip Hulyo 14, 2023 sa kasong paglabag sa R.A. 10591 (illegal possession of firearms, pero nakapagpiyansa para sa kanyang pangsamantalang kalayaan.(Almar Danguilan)