Advertisers
MAGSASAGAWA ng pagdinig ang Senate Committee on National Defense ukol sa sinasabing isinagawang “wiretapping” ng isang mataas na opisyal ng Chinese Embassy sa Martes, Mayo 21.
Ito ang ibinahagi ni Senador Francis Tolentino matapos ang kanilang pag-uusap ni Sen. Jinggoy Estrada, ang committee chairman.
Nitong Martes, naghain ng resolusyon si Tolentino at hiniling na maimbestigahan sa Senado ang sinasabing wiretapping na ginawa ng Chinese Embassy.