Advertisers

Advertisers

JAJA, Jaja!

0 8

Advertisers

Pagkapaslang kay Sen Ninoy Aquino noong Agosto 1983 ay nagkaroon ng JAJA na movement . Ang kilusang JAJA na ang ibig sabihin ay Justice for Aquino, Justice for All ay naglalayong magkaroon ng katarungan ang pagkamatay ni Ninoy at iba pang biktima ng rehimeng Marcos Sr.

Malawakang protesta sa kalsada ay inilunsad ng grupo at nagpatuloy hanggang sinipa ang diktador sa palasyo.

Ngayon naman may isang volleybelle na nagngangalang Jaja o Alyja Daphne Antonio Santiago.



Si Jaja ay produkto ng isang pamilya na mahilig sa sports. Ang ama ay dating basketbolista ng University of Manila Hawks at San Juan Knights. Ate niyang si Denden Santiago na NU Lady Bulldog din May utol pa siya na naging coach ng mga koponan sa volleyball ng unibersidad sa F. Jhocson.

Na-recruit ang 6’4 na star para lumaro sa Japan ng makita siya ng mga Japanese scout sa PVL.



Ngayon may balita na inalok na siya ng mga Hapon upang mapabilang sa kanilang pambansang koponan. Diumano’y lumalakad na ang proseso upang katawanin niya ang Land of the Rising Sun sa Paris Olympics.

Sayang si Jaja na dapat sana ay bituin ng Alas Pilipinas.



Oks naman maging import siya sa Tokyo pero ibang usapan na ang national team.

Hindi ba ang MVP ng NBA na si Nikola Jokic ay bumabalik sa bansa niyang Serbia pagdating sa mga torneo ng FIBA.

Malas ang Alas ng Pinas kung ganyan nga ang magaganap.

***

Naging piling-piling panauhin natin sa OKS@DWBL ang batikang sportscaster na si Noel Zarate. Napag-usapan natin kung paano siya nagsimula sa industry at ang pag-angat ng popularidad ng volleyball sa bansa. Sa susunod na pitak ay ito ang itatampok natin.

***

Pinabibilib talaga tayo ng mga Paris-bound nating mga atletang sina EJ Obiena at Carlos Yulo. Kakapanalo lang ng gold mi Yulo sa paligsahan sa Asya samantalang naka-ginto rin si Obiena sa Los Angeles.noong isang araw.

Tama ang pag-peak ng dalawa nating pambato sa France sa Hulyo..

Malamang makapag-uwi sila ng medalya sa Olympics.