Advertisers

Advertisers

2 NPA patay sa engkwentro sa MisOr

0 5

Advertisers

NASAWI ang dalawang mataas na opisyal ng New People’s Army nang makipagbarilan sa mga sundalong nasukol sila sa Barangay Bal-ason, Gingoog City, Misamis Oriental noong Miyerkules.

Sa ulat nitong Biyernes ni Brigadier General Adonis Ariel Orio, naganap and engkwentro nang paputukan ng grupo nila Zaldy Galamiton at John-John Ramos ang tropa ng 16th Infantry Battalion na naatasang magsiyasat sa mga ulat ng mga residente ng Barangay Bal-ason hinggil sa presensya ng mga NPA sa kanilang kapaligiran, nanghihingi ng pera at bigas.

Agad nasawi sa engkwentro ang matagal nang mga wanted sa ibat-ibang kaso sa mga korte na sina Galamiton at Ramos, kaowa mataas na opisyal ng North Central Mindanao Committee ng NPA.



Mabilis naman tumakas ang mga kasama ng dalawa nang makitang parehong nabuwal ang kanilang mga lider.

Nakuha ng tropa ang dalawang M16 assault rifles at isang bag na may lamang mga gamit sa paggawa ng improvised explosive devices sa tabi ng mga bangkay ng rebelde.