Advertisers

Advertisers

Mister walang tulog/kain pinagsasaksak ang misis, 4 anak at nagpakamatay

0 5

Advertisers

PINAGSASAKSAK ng isang lalaking may nervous breakdown ang sarili hanggang sa mamatay nang saksakin ang ka-live-in at apat na bata sa bahay sa Barangay Tapi, Kabankalan City, Negros Occidental, Miyerkules ng gabi, Mayo 22.

Itinago ni Police Captain Joelan Vinson, deputy chief ng Kabankalan City Police Station, ang mga pangalan ng 36-anyos na salarin, ang 36-anyos na live-in partner, at mga anak na isang 3-anyos na lalaki, at tatlong batang babae na may edad isang taon at anim na buwan, anim, at siyam.

Sinabi ni Vinson na biglang inatake ng salarin ang kanyang pamilya gamit ang bolo habang naghahanda ng hapunan ang kanyang live-in partner 6:30 ng gabi.



Sinabi ni Vinson, nasaksihan ng 13-anyos na anak ng salarin ang insidente, na nag-udyok sa kanya na hampasin ang kanyang ama sa ulo ng pamatok na tinatawag na “singkaw” upang patahimikin ito.

Nakalabas ng kanilang bahay ang mga sugatang biktima at humingi ng tulong sa kanilang mga kapitbahay.

Sinabi ni Vinson na sinaksak ng salarin ang sarili sa tiyan.

Nang rumesponde ang mga opisyal ng barangay, nakita ng mga ito na hinihingal ang salarin.

Dinala sa pagamutan ang mga biktima at salarin kungsaan idineklara itong patay.



Nagtamo ang live-in partner ng salarin at tatlong anak ng mga sugat sa batok, ulo, at balikat, at naka-confine sa ospital. Nagtamo ng mga gasgas ang sanggol at hindi na-admit sa ospital.

Sinabi ni Vinson na ito ang unang pagkakataon na naging marahas ang salarin at hindi ito regular na kumakain at natutulog nitong mga nakaraang Linggo.