Advertisers

Advertisers

Sheryl inamin, pumayag pakasal kay Anjo pero nabulilyaso; Gary nagtapat, mas marumi ang politics kaysa showbiz

0 10

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA interview ni Sheryl Cruz sa Fast Talk With Boy Abunda, sinabi niya na inalok siya noon ng dating boyfriend na si Anjo Yllana ng kasal pero hindi natuloy. Ang dahilan, nakabuntis daw ng ibang babae ang komedyante.

Sabi ni Sheryl,”He asked for my hand in marriage, and I said yes. And then I found out na he got somebody pregnant, so kahit papaano ‘di ba, he broke my heart,”



Isinantabi na ito ni Sheryl ngayon at sinabi niyang mabuti silang magkaibigan ni Anjo.

“That’s already water under the bridge. We’re good friends,” sabi niya.

Noong magpunta sa States, doon niya nakilala ang kaniyang naging asawa na si Norman Bustos, na nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang kasal.

Matapos nito, ikinuwento ni Sheryl na sinubukan nila ni Anjo na magkabalikan.

“It was actually amazing because by the time I went back here sa Philippines, I, myself, got separated and divorced. And then nagkaroon kami ng moment wherein we were able to see each other again, and we were able to catch up on things and tried to, I guess have another go at it,” sabi niya.



Inilahad ni Sheryl na hinangaan niya si Anjo dahil sa pagiging mabuting ama nito.

“Ayos naman ‘yung mga anak niya. Same thing naman for me? If you really didn’t quite work out with your relationship, then it doesn’t mean that you cannot be a good parent,” sabi niya.

Napapanood ngayon si Sheryl sa “Lilet Matias: Attorney-At-Law” na pinagbibidahan din ni Jo Berry, na napapanood ng 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

***

AYON kay Gary Estrada sa guesting niya rin sa Fast Talk With Boy Abunda,  mas grabe raw ang intriga sa pulitika, talagang hindi mo kakayanin kung mahina-hina ang loob mo at wala talaga sa puso mo ang paglilingkod sa mga tao.

Mas matindi at mas marumi raw ang mundo ng pulitika kung ikukumpara sa showbiz.

Noong hindi na gaanong aktibo si Gary sa pag-aartista ay pinasok din niya ang public service. Naging provincial board member siya noon at tumakbo ring vice mayor.

Sabi ni Gary,“Ang pagkakaiba nila kung ito lang ang intriga sa pag-aartista, doon sa pulitika babaliktad talaga ang sikmura mo. Ganu’n siya kadumi.

“At the end of the day, kahit anong gawing mong maganda, meron at meron…kulang pa rin.”

Pero agad namang nilinaw ng aktor, na hindi ‘yon ang major reason kung bakit nagdesisyon siyang mag-quit na sa politics.

“No. I guest it’s not the right time.”

Sa tanong ni Tito Boy kung may balak pa ba siyang bumalik sa mundo ng pulitika, nabanggit ni Gary na hindi pa siya makakapagdesisyon sa ngayon.

Aniya, happy naman daw siya kung saan man siya naroon ngayon at nag-eenjoy siya uli sa pag-arte lalo na ngayon na isa na siyang certified Kapuso actor.

Pumirma si Gary ng kontrata sa GMA Network bilang Sparkle artist. Inamin niya na totoong nawala noon ang “drive” niya sa pag-aartista pero nanumbalik na raw ito ngayon.