Advertisers

Advertisers

Canadian drug trafficker, kailangang humarap sa mga kaso sa PH bago i-deport – BI

0 13

Advertisers

SINABI ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na ang naarestong pugante na si Thomas Gordon O’Quinn ay kailangan na harapin ang mga kasong isinampa sa kanya sa bansa bago ito i-deport.

Si O’Quinn, na gumagamit ng alyas na James Martin, 38-anyos ay naaresto noong May 16 sa Bgy. Maitim II, Tagaytay City sa pinagsamang operasyon ng BI’s fugitive search unit (FSU) sa pamumuno ni Rendel Ryan Sy at Regional Intelligence Division of the National Capital Region Police Office (NCRPO), PRO4A at ng Tagaytay City Police Station.

Siya ay itinuturing na big-time drug lord, at wanted sa interpol sa mga kasong isinampa laban sa kanya sa US.



Nabatid na si O’Quinn ay subject din ng Interpol red notice matapos na maglabas ng warrant of arrest ang US district court sa Western Washington laban sa pugante.

Siya ay napaulat na sinampahan ng kaso sa korte ng “with conspiracy to distribute and possess with intent to distribute the illegal substance called methylenedioxyamphetamine (MDA) and five kilograms of a mixture and substane containing a detectable amount of cocaine.”

Mayroon pang karagdagang kaso na “conspiracy to export from the US five kilograms of cocaine” ang isinampa rin sa parehong korte.

Ginawa umano ni O’Quinn ang mga krimen mula August 2014 hanggang June 2015 kung saan sa mga nasabing panahon siya at ang kanyang kasabwat ay nag-facilitate ng export at import ng illegal drugs mula Canada to US and vice-versa.

Kapag napatunayang guilty, si O’Quinn ay maaaring masentensyahan ito ng maximum of life imprisonment sa ilalim ng US penal code.

Sa Pilipinas, si O’Quinn ay nahaharap sa kasong violation of Section 11 (Illegal Possession), Article II of R.A. 9165, and Article 178 (Using Fictitious Name and Concealing True Name) of the Revised Penal Code.



Sa ulat mula sa NCRPO ay nagsasaad na ang mga kaso ay isinampa na sa inquest proceedings sa Office of the Prosecutor, Department of Justice sa Maynila.

Ang Canadian national ay pangunahing suspek ng mga local authorities dahil sa kanyang pagkakaugnay sa 1.4 tons of illegal drugs na nakuha ng mga awtoridad sa isang sasakyan sa Batangas noong isang buwan.

Napaulat din na noong naaresto ang pugante ay nakakumpiska ang mga operatiba ng immigration at kapulisan ng ilang sachets ng shabu at 14 identification cards na may fictitious names.

“He has to stand trial and face his crimes locally, before we deport him so he can again strand trial for the crimes he committed abroad,” sabi ni Tansingco.

Naniniwala si Tansingco na ang pagtutulungan ng local law enforcement agencies at ng BI na nagresulta sa pagkakaaresto ni O’Quinn’s ay nabulabog ang operasyon ng major criminal gang na nagtangkang magsagawa ng drug operations sa Pilipinas.

“This is a major accomplishment of all agencies involved. It serves as a warning to syndicates that might be attempting to initiate illegal operations here in the Philippines. Your crimes will not go unpunished,” babala nito.

Ang suspek ay mananatili sa kustodiya ng local law enforcement agencies hanggang magkaroon na ng resolusyon ang kanyang kaso sa korte. (JERRY S. TAN)