Advertisers
IPINAHAYAG ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi “planted” ang mga sako na naglalaman ng hinihinalang buto ng mga nawawalang sabungero na nakuha sa Taal Lake.
Sinabi ni PCG spokepserson Captain Noemi Cayab-yab na ang nagpapatuloy na diving operations para sa paghahanap ng mga nawawalang sabungeros ay isang lehitimong operasyon at bahagi ng pormal na imbestiga-syon.
Ayon sa Department of Science and Techmology, ang Taal Lake ay sumasaklaw ng 234 square kilometers na siyam na beses na mas malaki kaysa sa lungsod ng Maynila .
Mayroon din itong lalim na 198 metro o katumbas ng 60 palapag na gusali.
Sinabi ni Cayabyab na isa sa mga hamon na kinakaharap ng mga diver ang pagharap sa madilim at maputik na lugar ng Taal Lake.
Naglabas na nga ang Coast Guard ng underwater footage ng kanilang search and retrieval operation sa Taal Lake para sa missing sabungeros.
Sa ngayon, nasa limang sako na ang natagpuan ng PCG kungsaan dalawa ang naglalaman ng buto. Ang isa pang sako ay naglalaman ng mga sunog na buto habang ang dalawa pa may mga bato.
Samantala, inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Nicolas Torre III, na kumpirmadong may ilang buto ng tao ang narekober sa mga sakong nakuha ng PCG mula sa Taal Lake.
Sinabi ni Torre na nakahalo ang naturang mga buto ng tao sa ilang buto ng hayop sa loob ng narekober na mga sako.
“Halo-halo ‘no kasi alam niyo naman may farm diyan sa lugar na ‘yan. May farm, ang Taal ay farming ‘yan. So andi-yan na lahat ng makikita natin. May mga na-recover na mga animal remains, may human,” ani Torre.
Saad pa ni Torre, kinakai-langan magkaroon ng proseso sa paghihiwalay at pagtukoy ng buto ng hayop at buto ng tao.
“Mix-mix na ang ating mga tinitingnan ngayon. Kaya kasama sa ating processing diyan ang mag-differentiate kung ito ba animal origin o human origin,” anang PNP Chief.
(Jocelyn Domenden/Mark Obleada)