Advertisers

Advertisers

“WAG KAYONG KUKURAP”

0 15

Advertisers

Kumpiyansa si House Speaker Martin Romualdez na ikukunsidera ng Senado ang pagtalakay sa amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution.

Inihayag ito ni Romualdez sa pagkakatalaga kay Senator Chiz Escudero bilang bagong Senate President.

Ayon kay Romualdez, ipauubaya niya ang kapalaran ng economic chacha sa Senado dahil napagtibay na ng Kamara ang Resolution of Both Houses o RBH7.



Sabi ni Romualdez, naniniwala siya na ikukunsidera ng Senado ang mga isinusulong na reporma at amyenda sa ating saligang batas dahil ang mabebenepisyuhan ay ang ating mga kababayan.

Umaasa si Romualdez na magpapatuloy ang magandang relasyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa kabila ng pagbabago ng liderato sa Senado.

Naniniwala si Romualdez na alam ni Escudero ang mga priority bills na dapat aksiyunan lalo na kapag nagsimula ang third regular session ng 19th Congress.

Dagdag pa ng House Speaker, wala pa silang pagkakataon ni Escudero na makapag-usap simula nang maitalaga ito bilang Senate President.

Matibay talaga ang panunaw nitong si Tambaloslos,kahit batid na nito na basurahan ang destination ng economic Cha Cha na iniendorso ng KONGRESO sa Senado ay pinipilit pa nitong paniwalain ang sarili na lulusot ito under Escudero’s watch.

Ibig bang sabihin ni Speaker Romualdez,umaasa ito sa wala.



Isang abogado at seasoned politician itong si Senate President Escudero at lubha itong malalim na tao kumpara sa mababaw na si Romualdez.

Iba maglaro si Escudero kumpara sa bagito at amateur na si Speaker Romualdez.

Kung baga sa larong poker,Escudero plays like a shark.

Di tulad ni Romualdez na isang ugly dunkey.

Bagito at masasabing magulang pero bobo at tolongges.

Kulang sa dunong at karanasan.

Oo nga’ t kontrolado ni Romualdez ang Kamara,pero walang kasiguruhan kung hanggang kailan nito mapanghahawakan ang loyalty ng bawat Kongresista na sa tingin natin ay nakikinabang kay Romualdez in terms of favor at pondo.

Lubhang mahirap suhulan lahat ng mga mambabatas sa dami ng kanilang bilang.

Matutuyuan ka talaga ng dugo unlike the Senate na 24 senador lang ang kausap.

Majority numbers nga lamang ay ayos na ang butu- buto.

Gaya nga ng kapalarang sinapit ni former SP Migz Zubiri.

Ang nakikita natin dito,bagamat sa ngayon ay masasabing kontrolado pa ni Romualdez ang mayorya sa Kongreso, may kasabihan tayong “nothing is permanent”. di ba?

At sadyang mahirap busugin ang masisibang buwaya!

Lahat ng palayok ay may katapat na suklob,kahit anong gawin mong pangungunyapit sa poder ay darating din ang wakas.

Kung si Marcos Sr.nga ,mahigit dalawampung taong (20) naghari sa bansa pero parang basahan lamang na tinapon sa Hawaii sila pa kaya?

Watch and see the unfolding scenario of history repeating itself.

Di kayo marunong madala ha!

Ibabalik din kayong mga palalo to the place where you really belong!

Wag kayong kukurap…

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA [email protected]