Advertisers
TINUTUGIS ng awtoridad ang isang motorcycle rider na tumangay ng P45,000.00 kita ng isang kilalang convenience store sa Tanza, Cavite, Huwebes ng madaling araw.
Inilarawan ang suspek na nakamotorsiklo, nakasuot ng kulay itim na hood jacket, maong short pants, katamtaman ang pangangatawan, tinatayang nasa 35-anyos.
Sa salaysay ni Joemar Domalaon, store crew, pumasok ang suspek sa Alfamart Convenience Store sa Brgy Biga, Tanza, Cavite 2:30 ng madaling araw at nagpanggap na customer.
Nilapitan ng suspek si Joemar, tinutukan ng di nabatid na kalibre ng baril, nagdeklara ng holdap at tinangay ang tinatayang P45,000.00 kita ng tindahan.
Matapos ang panghoholdap, tumakas ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo sa direksyon ng Tanza proper.
Nagsasagawa naman ng backtracking sa Closed Circuit Television (CCTV) sa posibleng dinaanan ng suspek at sa pagkakakilanlan nito.