Advertisers

Advertisers

LAGUNA PD COL. GAUVIN MEL UNOS, DAPAT TULARAN!

0 1,191

Advertisers

SERBISYO ng isang police official na maituturing na modelo sa isip at diwa ang kinauuhawan ng mga mamamayan lalo na sa kinakaharap na suliranin ng hanay ng Pambansang Kapulisan sa ilalim ng liderato ni newly appointed Police Director General (PDGen) Rommel Francisco Marbil.

Kung pagbabatayan ay ang galing, sipag at dedikasyon sa sinumpaang tungkulin ay hindi nagkamali si PDGen. Marbil at PNP Region 4A Director Gen. Paul Kenneth Lucas sa pagtatalaga at pagpapalawig bilang Provincial Director ng lalawigan ng Laguna si Col. Gauvin Mel Y. Unos.

“Right choice” sa posisyon si Col. Unos dahil sa kanya nakita ang serbisyong matagal nang hind nararamdaman ng mga residente ng Laguna sa mga nakaraang police director.



Ikinagalak naman ni Gov. Ramil Hernandez at ng mga kapwa nito halal na opisyales ng probinsya ang ipinamalas na galing at katapatan sa tungkulin ng di pa natatagalang PD ng Laguna.

Kamakailan lamang ay itinalagang pinuno ng Laguna PNP si Col. Unos at nagpakitang gilas na itong miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class 1998 sa pamamagitan ng paggamit ng mga taktikang naging daan upang mahuli ang mga halang ang kaluluwang kriminal lalo na ang mga sangkot sa kasong murder, homicide, rape, robbery hold up at iba pang uri ng kriminalidad.

Sa sunod-sunod na mga police operation na isinagawa ni Col. Unos ay mahigit pa sa 100 indibidwal ang nadakip ng kapulisan ng Laguna kabilang na ang mga kabo, kubrador at mananaya sa STL con jueteng o bookies sa ibat ibang sulok ng mga siyudad at bayan sa buong lalawigan.

Marami pang sangkot sa STL bookies operation ang ipinahuhuli ni Col. Unos. Tuloy-tuloy ang mga raid na isinasagawa ng kanyang mga operatiba upang masakote ang mga gambling con drug pusher tulad nina alyas Tita ng Calamba City; Areza ng Pagsanjan; Pinky, Ruel at ex Sgt. Dimatulac ng San Pablo City; Nico ng Biñan; Kon Robert ng Calauag; Karatehan ng Caluag; Orlan ng San Pablo City; Bong ng bayan ng Rizal; Jun ng Los Banos; Osel ng Calauag at 25 iba na kabilang sa listahan ng tinaguriang mga “untouchable” na mga gambling operator ng Laguna.

Hindi din nakaligtas sa pang-amoy ng dating Mandaluyong City Police Chief na si Col. Unos ang mga notoryus na buriki operator, pagka’t iniatas na din niya ang pagdakip sa mga taong nasa likod nito, kasama ang isang alyas Roy at alyas Sgt. Gerry na isang pulis sa Laguna na sa halip maglingkod bilang protektor ng mamamayan ay siya pa mismo ang naglatag ng burikian sa Brgy. Saimsim, katapat ng Yakult Philippines, Calamba City.



May mga burikian pang ipinalalansag si Col. Unos, ang dalawang burikian sa Brgy. Paciano, Rizal, isa sa Turbina pawang sa Calamba City at sa Silangan Exit, sa siyudad ng Cabuyao.

Maaaring burado na bilang number one sa may pinakatalamak na STL bookies operation ang Laguna, nalagpasan na ito ng Batangas dahilan sa kawalan ng aksyon ni PNP Provincial Director Col. Samson Belmonte laban sa bookies operation ng isang alyas Ocampo at 34 na kapwa nito gambling con drug maintainers sa Tanauan City, “Big 4” sa Lipa City at ng may 30 iba pang gambling con drug trader sa naturang siyudad.

Hindi patatalo sa larangan ng operasyon ng pergalan ang Batangas, katunayan may higit sa 50 ang pwesto ng pergalan con shabu sa Lipa, Tanauan, Sto. Tomas, Lian, Tuy, Lemery, Rosario, Ibaan, Mabini, Bauan, San Pascual, San Juan, Alitagtag, Cuenca, Malvar at iba pa.

Kilalang “action man” si Col. Unos, malayo sa mga “usad pagong” na mga provincial commander tulad nina Col. Belmonte ng Batangas, Col. Eleutero Ricardo Jr. ng Cavite, Col. Felipe Maranggun ng Rizal at ng overstaying sa puwestong si Col. Ledon Monte ng Quezon.

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144