Advertisers

Advertisers

Magsasakang Pinoy may ‘Bagong Pagasa’ na sa pagsasabatas ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act

0 11

Advertisers

NAGPAHAYAG ng pasasalamat ang grupo ng mga magsasakang Pilipino nang ratipikahan ng Senado ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act noong Miyerkules, Mayo 22.

Ayon kay AGAP Party-list Rep. Nicanor Briones, bilang Principal sponsor sa Anti- Agricultural Economic Sabotage Act, na tama lamang ratipikahan na ang nasabing batas sa Senado at Kongreso at para lagdaan na ito ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Tiwala rin si Senador Cynthia Villar na matatapos na ang paghihirap ng mga Filipino farmers at consumers sanhi ng cartel, smuggling at iba pang katiwalian dahil malapit nang maisabatas ang Anti- Agricultural Economic Sabotage Act.



Layunin ng panukalang batas na ipawalang-bisa ang Republic Act No. 10845, o ang “Anti-Agricultural Smuggling Act,” at magpataw ng matinding parusa para sa smuggling, hoarding, profiteering, at pagbuo ng mga kartel ng mga produktong pang-agrikultura at pangisdaan.

Mapapangalagaan ng nasabing panukala ang estado mula sa mga economic saboteurs at mapoprotektahan ang kabuhayan ng mga Pilipinong magsasaka.

“Ito ang sinabi natin na kahit anong gawing batas, ayuda, pondo ibigay sa magsasaka walang mangyayari kung patuloy na pagsasamatalahan ng smugglers, hoarders, cartel at profitters,” wika ni Briones.

“At sa ating bill isinasaad ang pagkakaroon ng National Council under the office of the President na kasama sa council ang pitong sector ng magsasaka, may enforcement group na NBI, PNP at Coast Guard. May special prosecutors, at lifetime imprisonment ang parusa, 3x ang multa at nonbailable ito. Pwede rin mag-file ng kaso ang private citizen. Merong rewards sa tipster o whistle blower mula P1M hanggang P20M o 20% whichever is higher.” dagdag ni AGAP Rep.

Binigyan diin pa ng mambabatas, hindi maaaring isama ang Bureau of Customs (BOC) dahil walang saysay ang batas na ito tulad sa Anti-Agricultural Smuggling Act, dahil may mga probisyon ito na pabor sa mga smuggler, hoarder, profiteer, at cartel kung saan ang customs ang nangunguna sa nasabing batas.



Ayon pa kay Briones, walang saysay ang utos ni PBBM na habulin at panagutin ang mga sangkot sa smuggling ng agricultural products sa bansa kung nariyan pa rin sa council ng bagong batas ang BOC, at walang nasasampolan na sampahan ng kaso.

“Bagong Pilipinas, Bagong Pagasa ng magsasaka at mamimili. Salamat kay President Bongbong Marcos, Speaker Martin Romualdez, Senator Cynthia Villar, Cong. Mark Enverga at lahat ng Senators at Congressman na sumuporta sa Bill na ito,” pahayag pa ni Briones.