Advertisers
Nasawi ang isang lalaki habang sugatan ang kaibigan nito nang mauwi sa gulo ang kanilang masayang pag-iinuman sa Cainta, Rizal.
Dead-on-arrival sa Cainta Municipal Hospital ang biktimang si alyas “Don” habang sugatan at nilalapatan pa ng lunas sa East Avenue Medical Center ang biktimang si alyas “Leo”, kapwa residente ng Brgy. San Juan, Cainta.
Sa ulat ng Cainta Municipal Police Station, nabatid na 10:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa ikalawang palapag ng isang bahay sa Brgy. San Juan.
Sa salaysay ng isang testigo, lumilitaw na bago ang insidente ay masaya umano silang nag-iinuman nang sa hindi pa batid na kadahilanan bigla na lang nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang suspek at biktima.
Nauwi umano ang argumento sa suntukan hanggang sa mahulog ang dalawa sa hagdanan, sanhi upang kapwa sila magtamo ng matinding sugat.
Mabilis naman silang isinugod ng mga kaanak sa pagamutan ngunit binawian rin ng buhay ang biktima.