Advertisers

Advertisers

PUBLIKO HINIMOK NG PAMAHALAAN NA MAGTIPID SA KURYENTE DAHIL SA BAGYO

0 3

Advertisers

NANAWAGAN ang pamahalaan ng kooperasyon mula sa publiko upang mabawasan ang paggamit ng enerhiya kasunod ng malaking pagbaba ng suplay ng kuryente sa Luzon dahil sa bagyong Aghon.

Sa isang virtual press conference, hinikayat ni Department of Energy (DOE) Secretary Raphael Lotilla ang lahat na magtipid sa kuryente upang mabawasan ang paggamit ng mas mahal na langis o pagpapagana ng oil-based power plants.

Sinabi ni Lotilla na ang DOE ay nagdodoble-kayod upang mapabuti ang suplay ng kuryente sa mga darating na araw.



Hinikayat naman ng opisyal ang mga commercial industrial consumer na lumahok sa interruptible load program (ILP) dahil ang mga plantang pinagagana ng langis ay ginagamit lamang bilang pansamantalang pagkukunan ng kuryente sa Luzon grid habang hindi pa nakakabawi ang mga hydropower plant.

Ibinahagi rin ni Lotilla na ang 1200 MW Ilihan Powerplant ay nag-shutdown noong Mayo 25 dahil sa disconnection at relokasyon nito, kasama ang Pagbilao units 1 at 2 (may kabuuang kapasidad na 764MW) at unit 3 na may kapasidad na 420MW.

Ang Masinloc 3 naman, na may kapasidad na 335MW, ay nag-shutdown din kasama ang San Buenaventura na may kapasidad na 455MW habang ang Botocan, na may kapasidad na 20.8MW, ay nag-outage nitong Linggo dahil sa bagyo. (Gilbert Perdez)