Advertisers

Advertisers

Hepe ng pulisya sa Bulacan sibak sa ‘di pag-aksyon sa ambush sa vice mayor

0 34

Advertisers

Sinipa sa puwesto ang chief of police ng San Miguel Police Station na si PLt.Col.Avelino Protacio-ll, matapos ang tangkang pag-ambush sa pamilya ng Bise Alkalde sa bayang ito.

Una nang hinagisan ng dalawang granada ang convoy na sinasakyan ni San Miguel Municipal Vice Mayor John “Bong Alvarez habang patungo sa Sesyon noong Hunyo 3 2024 dakong 12:21 ng hapon.

Sinabi ni Vice Mayor Alvarez, na kasama niya ang 2 anak na sina Fatima, John Daniel at apong si Laurence, nang ihagis ng dalawang granada sa kanilang sinasakayan Toyota Grandia van na may conduction number na P5J-567 at masuwerteng hindi sumabog.



Base sa follow up report ng mga awtoridad, dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo ang mga salarin.
Makikita rin sa CCTV na mula sa tahanan ng Bise Alkalde, nakaabang na ang mga salarin.

Samantala, pansamantalang OIC si PMaj.Dela Cruz, habang patuloy ang imbestigasyon kung sino ang nasa likod ng tangkang pag-ambush sa pamilya Alvarez.(Thony D. Arcenal)