Advertisers
Ni BETH GELENA
MAY post si Annabelle Rama sa kanyang Facebook account.
Aniya: “Hoy!! Yung walang magawa sa buhay tumahimik na kayo.
“Kasi si Annabelle Doll hindi lalaban kay Barbie Doll maganda, maputi at makinis.
“Ang gusto makalaban ni Annabelle Doll si Chucky. Alam nyo na kung sino yun HAHAHA happy kana!?”
Kung sino man ang pinatutungkulan ni Bisaya, tanging siya na lang ang nakakaalam.
Komento ng netizens, “Doll for now. Run, Barbie, run”
“Sumisingit na naman si madir tsk tsk”
“Kaya nawawala sa sirkulasyon si RETSYARD eh becoz op u”
“Senyales na yan, run ka na barbie doll”
“Omg hahahhaha si Madam Anabelle wala talagang filter. Mukhang boto sya Kay Barbie ha!”
“Ganyan din sya kay SL nun. Inaway pa nga nya GMA nun db”
“So far bagay cla mag byenan. Mga butangera. Haugh haugh haugh…”
“Malay mo baka yan pa ang kavibes ni Anabil..lol!”
“Hahaha ganyan din papuri nya kay Sarah noon”
“Korek! Time will tell”
“Hintayin natin na part na sila ng daily life ng isa’t isa”
“Sweet din sya kay Sarah nung una”
“Pala away… Hintayin ko yung panahon ng battle of the dolls at kakain lang ako ng popcorn”
“Diba nga tawag niya kay sara mama mary?”
“Eh si barbie palaban din yan haha makahanap ng katapat si anabil”
“Baka end game na ni chard si Barbie. Bikolana palaban. Makakatulad niya si anabelle na taklesa kaya relate sila. Lol. So pagtanda parang Annabelle-Eddie G. Ang peg. Hahaha.”
“Sabi nga ni Eddie diba gusto nya c Sarah kasi hindi chismosa. Mukhang hindi pa nakikilala ni Annabil c Barbie.”
***
LEA GAGAWAN NG WAX FIGURE SA SG
GAGAWAN ng sariling wax figure ang Broadway singer/actress na si Lea Salonga at ididisplay sa Madame Tussauds Singapore.
Sey ng @mtssingapore sa kanilang Instagram page, “Shining, Shimmering, Splendid! The Legendary Lea Salonga will have her very own wax figure in #MadameTussua dsSG! Are you as excited as we are?”
Sey ng netizen,
“Long overdue”
“So cool right? Now sila Cat, siya, and Pia na. Ikot na yan s next hk or sg visit natin. Hehe”
“Deserve naman talaga!”
“Sana ibalik ni Lea yung mahaba nyang buhok kahit shoulder length lang. Mas bata kasi siya tingnan kesa short hair. Oo, ako ang pala desisyon. Pero idol ko si Lea at maganda yung buhok nya. I just like her with longer hair just like sa first few years nya sa The Voice.”
“Agree. Mukhang matronix sya sa short hair kasi. Parang Ate Guy o Bibot Amador na peg nya.”
“Good for Lea but hindi ako naeengganyo sa mga ganitong museum. Ako lang nman to.”
“Eto ang legit broadway icon”
“It’s about time. Naunahan pa siya ni Pia. Unbelievable.”
“Sa mga fans, bisitahin na lang ang wax figure niya iwas taray pa.”
***
Ogie nagbigay ng pahayag sa interbyu ni Liza sa magazine
NAGBIGAY ng opinyon si Ogie Diaz hinggil sa pahayag ng dati niyang alaga na si Liza Soberano sa isang magasin.
Nabanggit umano ng aktres na tila hindi siya nakapagdesisyon sa loob ng 12 taon sa kanyang showbiz career.
Ayon sa dating manager ni Liza, hindi niya umano iniinbalido ang nararamdaman ni Liza.
Si Ogie ang dating manager ni Soberano bago ito nagpasyang maging isang Hollywood star at doon ituloy ang kanyang career.
Nasabi umano ni Liza sa The Lateral magazine na tila hindi siya nabigyang laya na magbigay ng kanyang saloobin o opinyon sa kanyang naging showbiz career dito sa bansa.
“When I made the decision, I was already 12 years into my acting career. I felt like an adult but nobody treated me like one. Nobody treated me like I had a right to my own opinion. Nobody would consult me on the things that I would do before deciding on my behalf,” pahayag umano ni Liza na binasa ni Mama Loi sa Showbiz Update.
Hiningi niya ang panig ni Ogie ukol dito.
Ani Papa Ogs, “Panig naman ni Liza ‘yun. ‘Yun sa pakiramdam ni Liza. Na siya ay hindi binigyan ng laya na makapagdesisyon after 12 years. Alam mo hindi natin i-invalidate kung ano ‘yung sinabi ni Liza. Kung ‘yun ang naramdaman niya, bigay natin sa kanya ‘yun.”
Patuloy pa ng dating manager, “Ako naman, as far as I know, hindi naman ganun ang nangyari. Alam mo, nilalatag sa kanya lahat ‘yan. So nasa kanya na, ‘gusto mo ba ‘to si letter A?’ ‘Ayaw ko ‘yan, meron pa bang iba?’ Si B gusto mo?’ ‘Ayaw ko yan.’ Si C, ayaw ko ‘yan.’ ‘Ano ‘yung pwede mong i-suggest na pasok sa kanilang requirement?’ Ganun kami.”
Inalala rin ni Ogie ang minsang nasabi ni Johnny Manahan na huwag tumanggap ng proyekto na labag sa kalooban ng isang artista gayung makikita ito sa mga kanilang mga mata na ayaw nila ang kanilang ginagawa.