Advertisers

Advertisers

Atasha kinabiliban ng netizens sa pagiging simple

0 17

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA kabila na sikat ang mga magulang at maituturing na bilyonaryo ang amang si Aga Muhlach, maganda naman ang pagpapalaki ng mga ito kay Atasha.

Sa pag amin ng malalapit kay Atasha ay never daw itong naging maluho sa kanyang buhay sa kabila na can afford ang kanyang parents na ibigay ang luho sa kanya.



Kahit daw ang mga damit, gamit at alahas na kanyang isinusuot ay mura nga lang daw at di pa ito umabot sa daang libo or milyon.

Although carry naman nito magluho kung gugustuhin ng anak nina Aga at Charlene Gonzales.

Isa pang isiniwalat ng kampo ni Atasha ay  noong nag-aaral pa raw ito ay 100 nga lang ang kanyang baon sa araw-araw.

Kaya naman kinabiliban ng bonggang bongga si Atasha ng netizens sa pagiging simpe nito.

Kahit ang mga magulang na sina Aga at Charlene ay napuri rin sa pagpapalaki sa kanilang anak.



***

SA  ipinost sa socmed ni Rufa Mae Quinto ay itinour niya sa kanyang condo sa Makati ang kabuuan nito.

Ibinebenta na pala niya ito ng 45.5-M

Knowing naman kung gaano kamahal ang per sq mtr sa Makati.

Puwede rin naman rentahan pero 150,000 daw ang halaga kada buwan.

May netizen daw na namahalan sa presyo ni Rufa Mae sa kanyang condo at may nagtanggol din na sinasabi na  Makati ang lugar kaya di kataka taka kung bakit ganun ang halaga ng condo.

Well, well, well…’Yun na!