Advertisers

Advertisers

Base sa DOF Report: MARIKINA LUBOG SA UTANG, KULELAT SA KITA!

0 157

Advertisers

ISA sa nangungulelat ang Marikina City pagdating sa tinatawag na “Annual Revenue Income (ARI) Growth” o taunang paglago ng kita ng lokal na pamahalaan noong 2023, ayon sa bagong ulat ng Department of Finance Bureau of Local Government Finance (DOF-BLGF).

Sa 17 local government units (LGUs) sa Metro Manila, pang-14 sa koleksiyon ng kita ang Marikina (P1.58 billion) na bahagya lang nitong nalamangan ang mga kilalang atrasadong lungsod ng Malabon (P1.23B) na pang-15, Navotas (P1.0B) pang-16, at Pateros (P0.2B) pang-17 at panghuli.

Si Marcy Teodoro ang kasalukuyang alkalde ng Marikina, na unang umupo 2016 at nasa kanyang huling termino ngayon.



Sa report ng DOF-BLGF, nanguna sa lahat ng lungsod ang Quezon City na may ARI na P27.41B noong nakaraang taon, sinusundan ng Makati (P19.36B), Taguig (P13.54B), Pasig (P13.13B), at Manila (P12.43B).

Ang iba pang lungsod sa National Capital Region na nakakuha ng nine-figure o bilyonan na ARI ay ang Parañaque (P7.9B) pang-6, sumunod ang Pasay (P7.35B), Mandaluyong (P5.76B), Muntinlupa (P4.63B), at Caloocan (P4.09B) na pang-10.

Nabigyang-diin sa ulat na kahit pinakakulelat ang Pateros sa larangan ng kita, naungusan naman nito ang lahat ng LGUs sa NCR sa paghataw sa kita ng nakaraang taon kungsaan nakapagtala ito ng 65% revenue growth. Ang Marikina City ay ang siyang may pinakamabagal na revenue growth, 7%.

Pagdating naman sa “ARI to Debt Ratio” o ang kita ng lokal na pamahalaan kumpara sa laki ng pagkakautang nito, nanguna dito ang Marikina sa 2.28, na malayong sinundan ng Manila (1.07). Ibig sabihin nito, maliit na nga ang kitang nakolekta ng Marikina ay mayroon pa itong malaking pagkakautang.

Ang iba pang siyudad na may above-average na “ARI to Debt Ratios” ay ang Navotas (.44), Valenzuela (.43), Malabon (.40), Caloocan (.36), at Mandaluyong (.29). Wala namang pagkakautang ang Las Piñas, Makati, Parañaque, Pasig, Pateros, at Quezon City.



Kapag mataas ang ARI to Debt Ratio ng isang LGU tulad ng Marikina, mas mahihirapan itong makapaglunsad ng mga bagong programa dahil ang kita nito ay nagiging pambayad-utang lang.