Advertisers

Advertisers

Kristaps Porzingis’ binuhat ang Celtics sa Finals opener

0 2

Advertisers

BUMALIK si kristaps Porzingis mula sa 10-game of absence para umiskor ng 20 points off the bench at tulungan ang Boston Celtics na durugin ang Dallas Mavericks sa 107-89 Huwebes ng gabi sa Game 1 ng NBA Finals.

Porzingis ay hindi naglaro simula Game 4 ng Boston first-round series laban sa Miami Heat dahil sa right calf strain.

Ang game 2 ay nakatakda sa Linggo sa Boston.



Jaylen Brown pinamunuan ang opensiba ng Celtics sa iniskor na 22 points at nagdagdag ng six boards, three steals at three blocks. habang si Jayson Tatum nagdagdag ng 16 points at 11 rebounds, Derrick White bumakas ng 15 points.

Doncic nagtala ng 30 points at 10 rebounds para sa Dallas, na kumana ng 47.6 percent to 41.7 percent overall. P.J Washington nag-ambag ng 14 points, Jaden Hardy umiskor ng 13, at Kyrie Irving, na inulan ng boos boung gabi, may 12.

Bagamat hindi nakapaglaro si Porzingis sa simula, hindi nagsayang ng oras ng ipasok sa 7.17 nalalabi sa first quarter.

Ang big man ay tinortyor ang kanyang dating team, na umiskor ng 11 points at blocking ng mga shots sa period para buhatin ang Celtics sa 37-20 advantage matapos ang 12 minutong aksyon. Walang team na nakagawa ng malaking lead sa first quarter ng Game 1 sa kasayayan ng Finals.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">