Advertisers

Advertisers

Motorsiklo sumemplang: Backrider, patay sa gulong ng truck

0 3

Advertisers

Nasawi ang isang babae nang magulungan ng truck nang matumba ang sinasakyan nitong motorsiklo kung saan angkas siya ng kaniyang mister sa Cagayan de Oro City. Ang insidente, nahuli-cam.



Sa ulat, nangyari ang trahedya sa national highway sa Barangay Puerto, sa harapan ng City Police Station 6.

Sa kuha ng CCTV camera, makikita na maayos ang daloy ng trapiko sa naturang bahagi ng kalsada.

Ang motorsiklo na sinasakyan ng biktima, biglang nagpreno at nawalan ng balanse kaya natumba papunta sa kaliwang bahagi ang babae.

Nagkataon naman na may katabi silang truck na dumadaan at nagulungan ang babae ng hulihang gulong ng truck.

Pumanaw ang biktima nang madala sa ospital dahil sa matinding pinsala na tinamo sa ulo.

Ayon kay Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) Traffic Investigator, Corporal Frederick Von Cajuelan, nakadetine ang driver ng truck.

Handa naman ang may-ari ng truck na makipag-usap sa pamilya ng biktima. Unang pagkakataon umano ng driver na masangkot sa aksidente.