Advertisers

Advertisers

MILF leader may P1.3m patong sa ulo, timbog

0 2

Advertisers

NADAKIP ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection ang isang kumander ng Moro Islamic Liberation Front na wanted sa iba’t ibang kaso at may P1.3 million reward sa ulo sa Barangay Tuca, Marawi City noong Sabado, June 8, 2024.

Kinumpirma nitong Linggo ni Brigadier General Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, na nakakulong na ang matagal nang wanted na si Jovy Sanguila na may kinakaharap na mga kaso sa iba’t ibang korte kaugnay ng kanyang pagkakasangkot sa pag-atake sa mga bayan ng Kolambugan at Kauswagan sa Lanao del Norte noong August 18, 2002.

Nag-resulta ang naturang insidente sa pagkamatay ng 23 katao, kabilang sa kanila sina Lt. Col Angelo Benitez ng 102nd Infantry Brigade at Police Patrolman Dexter Salvacion, at pagkasunog ng ilang bahay sa nabanggit na mga bayan.



Ayon kay Tanggawohn, natunton si Sanguila sa Barangay Tuca ng mga ahente ng CIDG-BAR na pinamumunuan ng kanilang regional chief Lt. Col. Ariel Huesca, at ng mga operatiba ng ibat ibang unit ng PRO-BAR, sa tulong ng mga impormante at mga local government officials ng Lanao del Sur at Marawi City.