Advertisers

Advertisers

Ina ng anak ni Carlo, may hugot sa pagpapakasal kay Charlie

0 9

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

 

PINAGPIPIYESTAHAN ngayon ng mga dalahira at katkatera ang naganap na wedding nina Carlo Aquino at Charlie Dizon sa Silang, Cavite.

 



Hirit ng kibitzers, itinago pa raw ng showbiz couple ang kanilang kasal dahil wala man lang mga detalyeng lumabas sa kanilang pag-iisang dibdib bago sila mag- I dos.

Nanatiling mum din si Charlie hinggil sa kanilang wedding nang maurirat siya ukol dito  nang manalo siya ng Urian  sa bisperas mismo ng kanyang kasal.

Anyway, kasunod naman ng kasal ng dalawa sa isang private resort, nag-post naman ng photo ng blangkong wall sa isang empty space ng kanilang bahay ang ex ni Carlo na si Trina Candaza.

Sa rough finish ng wall ay makikita ang isang picture frame na animoý nagsisimbolo ng unfinished business.

Nag-react naman ang mga marisol sa post ni Trina, ang nanay ng anak ni Carlo na si Mithi.



Nakikisimpatiya ang karamihan sa mga ito dahil ramdam nito ang kanyang kalungkutan na hindi siya ang pinili ng ex.

Sey pa ng ilang nagmamaldita, tila ‘nablangko’ raw ang dating partner ni Carlo sa pagpapakasal ng huli  kay Charlie.

Naungkat pa ng mga pa-savage, kung ano na raw kaya ang magiging estado ng child support ni Carlo sa anak nila ni Trina.

May nang-intriga pa na hindi raw kaya magka-isyu ang pagsusustento ng actor kay Mithi lalo pa’t may paglalaanan na itong sariling pamilya sa misis niyang si Charlie.

May mga nakisimpatiya rin kay Trina sa naging cryptic na hugot nito sa kasal ng dalawa.

Ito ang kanilang mga reaksyon.

“When I heard that Carlo Aquino got married today, I immediately thought of her and Mithi 😢”

“me too😢”

“same”

“Im hurting for Trina & Mithi :(“

“count me in”

“Hindi man lang naging abay un anak nya..naku gluck ke ate girl😂”

“Nku respeto nalan sana sa anak nalan nya..dinedma nya..”

“nag live in din sila at nag ka anak.Pero sana na resolve man lang dahil may batang involve at dahil masakit din sa part ng babae.”

“Siyempre, ayaw niya ma-spoil iyong pamilya ni girl. Kaya kahit anak di nag-abay.”

“Huwag naman pangunahan. Baka naman talagang true lab siya ni Carlo. Malay mo, nagbago na si guy.”

“Uy masakit yan lalo na may anak kayo.. how do you explain to your kid na may ibang pinakasalan dad nya?”

“Bakit nga ba biglaan. Di kaya, preggie na si gurl.”