Advertisers

Advertisers

Nora, Vilma, Sharon at Maricel salpukan sa best actress sa 40th Star Awards for Movies

0 24

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

KAABANG-ABANG kung sino sa apat na movie queens na magsasabong – sina Star for All Seasons Vilma Santos (When I Met You In Tokyo),  Megastar Sharon Cuneta (Family Of Two), Diamond Star Maricel Soriano (In His Mother’s Eyes), at Superstar Nora Aunor (Pieta) – ang tatanghaling Movie Actress of the Year sa 40th Star Awards for Movies ng PMPC.

First time mangyayari sa Star Awards for Movies sa loob ng 40 taon ng pagbibigay ng parangal na magkakasabay na nominado para sa Movie Actress of the Year sina Vilma, Sharon, Maricel, at Nora kaya matinding bakbakan ito.



O baka naman posibleng masilat pa ang parangal ng iba pang nominadong aktres na kinabibilangan nina Gina Alajar (Monday First Screening), Ai-Ai delas Alas (Litrato), Alessandra De Rossi (What If), Gladys Reyes (Apag), Kathryn Bernardo (A Very Good Girl), at Marian Rivera (Rewind).

Maglalaban naman para sa Movie Actor of the Year sina Christopher De Leon (When I Met You In Tokyo), Dingdong Dantes (Rewind), Piolo Pascual (Mallari), Coco Martin (Apag), Alden Richards (Five Breakups And A Romance), Cedrick Juan (Gomburza), Roderick Paulate (In His Mother’s Eyes), Romnick Sarmenta (About Us Not About Us), Sean De Guzman (Fall Guy), at Alfred Vargas (Pieta).

Ang 40th Star Awards for Movies ay inoorganisa ng mga opisyal at miyembro ng PMPC sa pangunguna ng Pangulo nito na si Rodel Ocampo Fernardo. Katuwang ng PMPC ang Airtime Marketing ni Tess Celestino-Howard. Ang awards night ay ididirehe ni Maribeth Bichara.

***

SANYA LOPEZ NAPRANING SA STALKER



SA interview ni Sanya Lopez sa Chika Minute sa 24 Oras, inamin niya na meron na siyang mga lalaking naka-MU o mutual understanding. Pero hindi niya pinangalanan king sino-sino ang mga ito. Lahat daw ay hindi nag-level up sa mas seryosong relasyon dahil sa nadiskubre niyang mga red flags.

“Ka-mutual understanding lang talaga sa akin, laging ganu’n lang. Lagi akong nandoon sa, feeling ko sasagutin ko na dapat siya pero biglang, ‘Ooops, wait lang,’” sabi ni Sanya.

Pero anu-ano nga ang dahilan ng kanyang pag-urong, “Medyo kapag nagiging masaya na ako masyado, ipinagpe-pray ko na ‘yan. Then after kong mag-pray, nakikita ko na agad ‘yung mga red flag, lumalabas ang red flags niya.”

Mga demanding din daw ang mga lalaking naka-MU niya kaya nate-turn off na siya agad at hindi na umaabot pa sa pagbibigay niya ng kanyang matamis na oo.

“Laging ‘yun ang demand niya sa akin, time. Na ‘You don’t have time for me, parang lagi ka na lang work. Work, work, work.’

“Part of it, feeling ko fault ko rin naman talaga na hindi ko mabigyan ng ‘yung isang tao ng oras because may mga pina-priority ako,” aniya pa.