Advertisers
Ni JOVI LLOZA
HALOS pansin ng lahat at nagtatanong sa IG post ni Trina Candaza, ex-partner ni Carlo Aquino matapos ikasal kay Charlie Dizon.
Maraming nag expect at inaasahan na magiging entourage sa kasalang Carlo at Charlie na ginanap sa Silang Cavita ang anak ni Carlo kay Trina na si Mithi.
Kaya sa post ni Trina sa kanyang socmed account, makikita ang isang empty wall at kalahating painting.
Wala naman itong caption at halos lahat ng komento ng netizens ay pumabor kay Trina.
Iisa lang ang saloobin ng netizens at damang dama nila si Trina at nakakuha ito ng simpatiya sa di pag iimbita ni Carlo kay Mithi sa kanilang kasalan nila ni Charlie.
Okey lang daw kungdi man naging bahagi si Mithi sa kasal ng kanyang ama, ang mahalaga nga raw ay nasa pangangalaga ito ng kanyang ina na si Trina.
Haka-haka rin ng netizens na baka ayaw din ni Charlie na imbitahin pa ang bagets para walang isyu.
O sadyang ayaw lang ni Trina na papuntahin ang anak sa kasal ng ex- partner.
***
DATI na ngang nanilbihan si Marjorie Barretto bilang konsehala ng District 2 sa Caloocan.
Matagal din siyang naglingkod as Councilor sa South Caloocan.
Pero bigla na lang itong nag- lielow at pumokus sa pagtutok sa pamilya at naging pribado ang buhay.
Sa tagal na sa paglilingkod, aminado ang 50-year-old na ngayon na si Marjorie na na-miss nito ang pagsisilbi or paglilingkod sa bayan.
Humingi nga raw ito ng senyales sa Panginoon at ang sagot ay Yes.
Buo na nga ang desisyon ng dating aktres na magbalik sa paglilingkod sa kanyang mga nasasakupan.
Sa nakaraang flag ceremony ng Barangay 177 ay na-touch si Marjorie sa mainit na pagtanggap sa kanya sa pangunguna ni Kapitana Donna De Gana kasama ang Barangay Council sa pangunguna nina K1 Darwin Dela Cruz, Joy Calilung, Rene Busante at iba pang barangay council.
Wala na ngang makapipigil pa kay Marjorie sa pagbabalik-lingkod sa bayan.
Well, well well… ‘Yun na!