Advertisers

Advertisers

P3M HOSPITAL BILL NI ATE GAY IPINANAWAGANG NI GAZA TULUNGAN NI ALDEN

0 20

Advertisers

Ni Beth Gelena

Isang mabigat na panawagan ang inilapit ni Xian Gaza kay Alden Richards para sa umano’y P3-million hospital bill na iniwan ng pakikipaglaban ni Ate Gay sa karamdaman.

Sa kanyang social media post, umapela si Xian sa Kapuso actor na sana ay matulungan ang pamilya ni Ate Gay sa napakalaking gastusin sa ospital. Hindi raw kasi alam ng mga kaanak kung saan kukuha ng ganoon kalaking halaga.



Alang-alang na lamang daw sa pinagsamahan nila at dahil alam niyang may kakayahan at mabuting puso si Alden, umaasa si Xian na mapagbibigyan nito ang kanyang panawagan.

Hindi naman lingid sa marami na maraming taon ding nagpasaya si Ate Gay ng mga tao sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa at mga pagtatanghal. Kaya nakalulungkot isipin na sa panahong siya naman ang nangangailangan, pamilya niya ang humaharap sa napakalaking problemang pinansiyal.



Hindi nangangahulugang walang tumutulong sa kanya, pero nagsisilbing paalala ang panawagan ni Xian na hindi natatapos sa kamera, tawanan at kuwentuhan ang tunay na samahan.

Dahil sa oras ng matinding pangangailangan, doon masusukat kung sino ang handang dumamay at umalalay.
Wala pa raw reaksyon ang Multimedia Asian actor sa bagay na ito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">