Advertisers

Advertisers

MGA PINOY BONGGA ANG CAREER SA HOLLYWOOD

0 10

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

MULA  sa pagiging isang healthcare entrepreneur at music and concert producer, Hollywood star na ang Pinoy na based sa Amerika na si Tommie Mopia!

May cameo role si Tommy sa action feature na Bare -Knuckle kung saan bida sina Devon Diep at Kevin Kraeder na mga sikat na Asian Hollywood stars ng hit show na Bling Empire.



“It was fun,” kuwento ni Tommie sa naging partisipasyon niya sa pelikula. “For me it’s really personal kasi it was my first big screen project, you know, to be part of a Hollywood production.

“I got really excited when they first told me, ‘Tommie will you be part of this film?’

“And I said, ‘Yeah, let’s try it out!’

“And Alex is a good director, he makes magic,” nakangiting sinabi pa ni Tommie patungkol sa direktor ng Bare-Knuckle na si Alex de Ocampo na isa ring Pinoy based in the US of A.

Hindi naman daw nahirapan si Tommie sa kanyang papel sa pelikula.



“I don’t have a lot of lines there but I did the facial expression, the excitement to be contained a little bit, to be in front of these big cameras, it’s a process for me still.”

Samantala, nasa Bare-Knuckle rin si Marvin Aritrangco, at ang sumulat ng script ay si Mark Labella na kapwa Pilipinong based na sa Amerika kaya nakatutuwa dahil bongga ang career ng mga kapwa natin Pinoy sa US, sa Hollywood no less, huh!

Nagkaroon ng special screening sa 24th Beverly Hills Film Festival ang Bare-Knuckle na bida rin ang mga Asian actors na pagkakaguwapo na sina Jordan Mahr at Michael Naizu.

May tsansa na makilala natin sila ng personal dahil dito sa Pilipinas isu-shoot ang full-length film version ng Bare-Knuckle sa 2025!

Still on Tommie, tumanggap siya noong 2022 ng parangal bilang Outstanding Young Enterpreneur of the Year mula sa GAWAD AMERICA 2022.

***

KAGABI, Martes, June 11 ang awards night ng The Manila Film Festival sa Metropolitan Theater kung saan nagtagisan ng husay ang walong kalahok na mga pelikula at baguhang direktor at sila ay ang Festival Ballad of a Blind Man ni Charlie Garcia Vitug ng De La Salle – College of Saint Benilde; Happy (M)others Day ni Ronnie Ramos ng UP Film Institute; Una’t Huling Sakay ni Vhan Marco Molacruz ng Colegio De San Juan De Letran – Manila;

threefor100: o ang tamang porma ng pag uukay at iba pang mga bagay-bagay, i think! ni Cedrick Labadia ng iACADEMY; An Kuan ni Joyce Ramos ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila; Ditas Pinamalas ni Adrian Renz Espino ng Adamson University; Pinilakang Tabingi ni John Pistol Carmen ng Bicol University; at Bahay, Baboy, Bagyo ni Miko Biong ng UP Film Institute.

Isa sa bet namin ay si Vhan dahil guwapo at macho, at isang atleta; player ng Men’s Volleyball Team ng Letran si Vhan Marco o Marco.

Bakit siya nagdesisyong maging direktor?

“Actually, pagpasok ko pa lang po ng college gusto ko na po pero time constraint hindi po kinakaya ng training sa school pero bago ako gumradweyt sabi ko hindi ako puwedeng gumradweyt na hindi ko nagagawa yung gusto ko at ito yung totoong gusto ko,” pahayag ni Vhan Marco.