Advertisers

Advertisers

WALA TALAGANG UTANG NA LOOB

0 31

Advertisers

Napanood o narinig nyo na ba ang Facebook post ni former Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singsong?

Sinabi ng dating Ilocanong gobernador na may Alzheimer’s disease ( a brain disorder that gradually destroys memory, thinking skills,and the ability to carry out even the simplest tasks) itong KUPAL na nasa Malacanang na si Bongbong Marcos.

Nagulat tayo sa walang kagatul- gatol at walang TAKOT na denunsiyo nito sa kapwa Ilocano at kaalyadong si Marcos Jr.

Ginamit daw umano ni Bongbong Marcos ang kanyang mga eroplano nong panahon ng 2022 presidential elections.

Kasa- kasama pa umano nya ( Chavit) ang batang Marcos sa pangangampanya sa buong bansa.

Resources,clout at pera ni Chavit ang ginamit sa paglapit at paglapag sa kanyang mga kaibigan at kaalyadong local executives partikular ang mga mayor sa panliligaw ng boto para kay Bongbong na noon nga ay tumatakbong presidente ka- tandem si Sara Duterte.

After elections at nanalo na ang batang Marcos,tahasang sinabi ni Chavit Singson na hindi na siya kilala ni Marcos Jr.

“Talagang walang UTANG NA LOOB ang walanghiya” , buntonghininga ni Manong Chavit.

Si Manong Chavit na ang personal na nagsabi ha mga kababayan!

Dagdag pa ng dating gobernador, ito ang huling pagkakataong susuportahan nya ang isang Marcos.

Bakas sa tono at facial expression ni Chavit ang matinding sama ng loob at ngitngit.

Kulang na lang na isumpa nya si Marcos Jr.sa pagiging INGRATO.

So what’s new sa pagkatao nitong si Marcos Jr. ika nga?

Kung si Manong Chavit na isang antigong pulitiko,pilantropo at talagang matulungin na tao ay napikon sa KAWALANGHIYAAN ni Bongbong Marcos,ibig sabihin lang ay sadyang napakawalanghiya at walang UTANG na LOOB ng taong ito.

Para magsalita.ng harapan at deretsahan ang isang Chavit Singsong, talagang tinarantado ito ng nakaupong inutil na presidente kuno!

Sinu- sino pa ba ang nasa mahabang listahan na harapang BINUDOL at tinarantado ni Marcos Jr. maliban sa kanyang mga kababayang PILIPINO?

Kung si dating Pangulobng Rodrigo Duterte nga na nag- iisang tao na tumayo at nanindigang ipalibing sa Libingan Ng Mga Bayani ang iladong bangkay ng ama ni Bongbong na si former President Ferdinand Màrcos Sr.ay trinàydor at hindi man lang tumanaw ng utang na LOOB,sino pang demonyo ang irerespeto ng walanghiyang ito?

Take the case of Atty.Vic Rodriguez na sinamahan si Marcos Jr. noong ilampaso ito ni Vice President Leni Robredo noong 2016 vice presidential race.

Masahol pa sa mabantot na dumi ng tao ang itsura ni Marcos Jr. noon na sa tingin ng MUNDO ay isang pindehong talunan!

Atty.Vic Rodriguez stood by his side all the way only to bé junked later nang makabawi na at manalong pangulo noong 2022 presidential elections ang bobong presidente.

Ang ginawang katraydurang kay VP Sara at sa buong pamilya Duterte dahil sa matinding insecurity at inggit ni Bongbong Marcos sa lahing ito

Alam ni Marcos Jr. that he ‘s nothing and a nobody compared to VP Sara.

Ang pagkidnap kay PRRD patungong The Hague,Netherlands ay obvious na si Marcos Jr. din ang utak at pinagtulungang gawin at isakatuparan ng kanyang mga kapwa halang ang bituka at mga demonyong tauhan.

Gaya ng kasabihang ” what goes around…comes around”, hindi natin mailarawan ang malagim na balik nito sa pamilya Marcos at sa mga asong ulol na naging kasapakat nito sa paggawa ng sunud- sunod na kasamaan.

Sabi nga ng mga Batangeños,ala eh LINTEK lang ang walang GANTI!

Sa Ilocano naman at sa kampo ni Manong Chavit…OKI NI NAM!

Sa mga Bisaya at DDS, gaba di magsaba!

And it’s 100 percent on its way!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com