Advertisers
BAGO ang lahat, sinserong pakikiramay sa pamilya at mga kaibigan ni Rev. Roger Cortez, Diocese of Tuguegarao, sa kanyang pagpanaw noong Sabado, Hulyo 5. Nakaburol ang kanyang mga lab isa Calamanuigan, Cagayan. Pakikiramay din sa ating ‘Q’ junior na si Oliver Cusi at kanyang pamilya.
***
Sa mga bagong opisyales ngayon sa Bureau of Customs, masasabing isa sa “pinakabuwenas” ay si ex-PNP general, Nolasco Bathan, na pumalit kay Atty. Teddy Raval, bilang Deputy Commissioner for Enforcement Group (EG) na may kontrol sa ESS/Customs Police.
Sa hanay kasi ng media, “unforgettable” sa kanila si DCE Bathan dahil sa ginawa niyang ‘phone snatching,’ ehek, “paghablot” sa ‘cellphone’ ni kasamang Jun Veneracion, ang respetadong GMA7 ‘field reporter’ at ‘news anchor’ na nagco-cover din sa Aduana.
“Nagbabato” ng balita si ‘Idol Jun’ sa ‘Translacion’ ng Mahal na Poong Nazareno noong Enero 19, 2020, sa may Quezon Bridge, Quiapo, nang biglang umeksena itong si Bathan at agawin ang kanyang cellphone dahil hindi raw “humingi” ng permiso sa kanya?!
Huh? Kelan pa dapat magpaalam ang reporter sa pulis para makapagbalita, aber?
Dahil “batang sarado” ni noon ay NCRPO director, P/MGeneral Debold Sinas (na naging Cnief PNP din), “kantyaw” lang (admonition) ang naging parusa ni Bathan.
At dahil muling inalagay ni Bathan ang ‘Pinas sa mapa ng mundo bilang ‘most dangerous country for journalists,’ alam ba ninyong “mas matindi” ang dagdag na parusa sa kanya?
“Itinaas” lang naman ang kanyang ranggo, mula NCRPO deputy director for operations (DDO) bilang deputy director for administration (DDA) at PNP Health Service Director bago siya nagretiro.
At ngayon, BOC Depcomm. for Enforcement na si General Bathan. Hindi ba “buwenas” ang tawag d’yan?
Naniniwala tayo na lahat ay may pagkakataon na “magbago” kaya hindi natin mapaniwalaan na “alam” ni Gen. Bathan ang “pag-iikot” ngayon sa pantalan ng ilang personalidad na kumakausap sa ilang mga ‘importer’ at ‘customs brokers’ para (daw) sa ‘arrangement’ sa tanggapan ng Enforcement Group.
Ayaw nating maniwala, peksman!