Advertisers
Ni Direk JM
HUMATAW sa kanilang guesting ang singer child actress na si Sofie Alfonso at teen actress singer na si Mae Cata sa Whatta Whatta ni Tito Boying Lino Mallari sa Euro TV nito lamang nakaraang Biyernes.
Sa guesting nila sa Euro TV sa show ni Tito Boying Lino ay kapwa nagpakita ng talent sa pagkanta ang dalawang singer at child and teen actress.
1st time ng child actress and singer na si Sofie mag guest sa isang TV show subalit sabi nga ng mga hosts ng naturang show na si Lino Mallari and Vic Del Rosario ay mahusay itong bata at nagpakita ng galing sa pag awit at hindi rin ito mahiyain at sanay na nga sa pagharap sa mga tao, marahil ay dahil na rin sa kanyang training at workshop sa pag arte at pagkanta.
Si Mae naman ay nagpamalas din ng husay sa pag awit sa naturang show at talaga namang napakaganda ng kanyang boses as teen singer. Sa ngayon ay patuloy pa rin siya sa acting at singing workshop upang lalong mahasa ang kanyang mga talent. This July din or this coming August ay may gagawin siyang song recording to be released soon sa mga music platforms.
Samantala, ang singer actor din na si Michael Yu ay maganda ang takbo ng career sa showbiz. Sa katunayan last year lamang ay nanalo siya ng mga awards tulad ng Asia’s Golden Globe Awards as Asia’s Fast Rising Model of the Year at sa Rising Filipino Awards as Multi Talented Rising Artist of the year.
Gusto rin daw ni Michael na makagawa ng isang action film as bida or kontrabida dahil Idol din daw nito si Coco Martin. Sa singer naman ay Idol ni Michael ang singer ng BTS na si Junkook at gusto rin ni Michael na maging isang Ppop Star.
This July din ay may gagawing song recording si Michael to be released sa mga music platforms.