Advertisers

Advertisers

Vice nagpatutsada sa mga tanders na sina Ricky at Rene

0 19

Advertisers

Ni Archie Liao

BINIBIGYAN ng kulay ng mga katkatera at sawsawera ang naging talak ni Vice Ganda sa “It’s Showtime.”

Ito ay sa kasagsagan ng kontrobersya dahil sa naging pahayag ng dalawang kilalang institusyon sa pagpapaganda at pagrampa na sina Mother Ricky Reyes at Mama Rene Salud.

Nainterbyu kasi ang dalawang personalidad sa vlog ni Toni Gonzaga kung saan naipahayag nila ang ilang anti-LGBTQA + stand.

Hindi kasi pabor sa same sex marriage ang dalawa.

Katunayan, nabanggit pa nilang may sense of entitlement ang mga bading sa ngayon dahil sa pagsigaw nila ng LGBTQA rights.

Inalmahan naman ito ng mga sangkabekihan kaya kinuyog ang dalawang beauty at fashion experts.

Pahayag naman ni Vice:

“Hindi porket matanda ka na, at may pera ka na, iiwanan mo yung mga tulad mo na hindi nakakakuha ng pribilehiyo nakukuha mo; dahil ang pribilehiyo ngayon ay hindi dapat maging pribilehiyo mo lang – dapat maging karapatan yan ng bawa’t isa.”

Sey naman ng kibitzers, nagpatutsada raw ang” It’s Showtime” host kina Reyes at Salud.

Ito naman ang komento ng netizens.
“Ricky reyes and rene salud… Lol”
“Rene Salud and Ricky Reyes left the group chat”
“is this his response to Ricky Reyes?”
“Louder para sa mga amoy lupa na, clue dalawa yan.”
“Nahiya yung dalawa matandang bakla na galit sa same marriage pero may mga jowa naman.”
“vice ganda is absolutely correct.”
“The world is evolving mga Lola”
“so it’s entitlement when we, in the community, ask for the same rights as straight people? and no, toleration will never be as good as acceptance.
shoutout rene salud and ricky reyes, ganun yon”
“Patama Kay Ricky Reyes at Renee salud yan”
“My point naman kasi si Meme Vice.”
“You can not fault Rene and Ricky. Kasi may punto rin naman sila.”
“Actually, pareho silang may point. “