Advertisers
Ni Peter Ledesma
EVERY year naman talaga ay nagbabakasyon sina Mommy Pinty at Daddy Carlito “Bonoy” Gonzaga sa Amerika. Natigil lang ito noong pandemic. Halos lahat kasi ng pamilya ni Mommy Pinty ay nasa States na. At last June sa bakasyon nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy ay kasama nila ang buong pamilya including their daughtersToni Gonzaga with husband Direk Paul Soriano and kids Seve and Polly at Alex Gonzaga at Lipa City Vice Mayor hubby na si Mikee Morada.
This time ay sobrang na-enjoy ng Gonzagas ang kanilang US vacation at nakapunta sila sa mga lugar na gusto nilang puntahan. Nakapag-shopping din at nakapag worship sa prayer meeting ng kanilang religion na Methodist. At kahit na nasa US ay nakatutok pa rin si Mommy Pinty bilang CEO ng Happy Cup na padami nang padami ang bilang ng branches nationwide. At siyempre pa ang madalas gawin nina Toni at Alex ang mag-tiktok na join na rin ang kanilang mga husband at sina Daddy Bonoy at Mommy Pinty na mahusay magsayaw.
Samantala, dahil sa ilang commitments at kanilang kaniya-kaniyang sikat na Vlogs ay naunang umuwi ng Pinas sina Alex at Mikee at Toni, Direk Paul at sina Seve at Polly.
At si Alex bago nakasama sa States ay nag-pictorial muna for her endorsements with SnailWhite and Sizzies Clothing sa Bangkok, Thailand. Si Toni naman ay kare-renew lang din sa Eureka Appliances, na ilang years na niyang ineendorso. Nagpaiwan pala ang mag-asawang Gonzaga at itinuloy pa ang kanilang bakasyon at last Monday ay balik Pinas na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy na parehong fresh dahil nakapagpahinga at relax. Sila pa rin ang endorsers ng selling like hotcakes na Chef Ayb’s Paragis PH with Alex. Also Eyeberry.