Advertisers

Advertisers

Spagetti wires’ nilinis ni Isko katuwang ang Meralco sa Maynila

0 20

Advertisers

Pinuri ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang mga opisyal at linemen ng Meralco sa kanilang pakikiisa na linisan ang mga sala-salabat na mga kable o tinawag na ‘spagetti wires’ na nagdudulot ng panganib.

Kasama ang mga opisyal ng Meralco, minarkahan at pinangunahan ang full-blast na implmentasyon ng Executive Order No.5 sa isang kaganapan sa Binondo, Maynila noong Miyerkules, July 9.

Nag-uutos ang direktiba ng alkalde sa lahat ng kumpanya ng telecommunication, cable at power companies na tanggalin ang mga sala-salaat at inabandonang mga kawad sa buong kabisera.



Layon ng alkalde na mapabuti ang kaligtasan at kalinisan ng lungsod.

Sang-ayon si Meralco Vice President at Corporate Communications Head Joe Zaldarriaga sa sentimyento ng alkalde at pinasalamatan para sa pagsuporta sa inisyatiba.



Nag-anunsyo din si Domagoso ng bagong policy shift: epektibo kaagad, walang kumpanya o service provider ang maaaring magkabit ng mga linya sa mga poste ng Meralco sa loob ng Maynila nang walang express clearance mula sa Meralco mismo.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">