Advertisers
BINALAAN ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya laban sa online gambling na tinawag nitong bagong salot.
Sa isang pahayag na nilagdaan ni CBCP President at Caloocan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, inilarawan ng grupo ng mga Pilipinong obispo ang online gambling bilang malalim at laganap na usaping moral na nagtatago sa libangan at teknolohiya.
Sinabi ng mga obispo, naging public health crisis na ang online gambling, ikinumpara sa illegal drugs at iba pang addictions na hindi lamang nakakasira sa isang tao kundi pati narin sa relasyon ng pamilya.
Hinimok ng mga obispo ang gobyerno na magpataw ng angkop na regulasyon sa online payment systems upang paghigpitan ang publiko, lalo na ang kabataan, mula sa paggamit ng online gambling.
Dapat aniyang unahin ang kapakanan ng publiko at hindi ang pagsusulong ng sugal para kumita.
(Jocelyn Domenden)