Ni WENDELL ALVAREZ
PINAG-uusapan sa isang gathering ng working entertainment writers ang ginawang eksena ng isang showbiz personality.
Ayon sa isang veteran showbiz writer, kung kailan daw hindi na siya pinag-uusapan at saka siya nagpa-kontrobersiyal.
Tuloy hindi siya pinatulan ng nga vloggers at hindi rin nababasa sa mga hard copy ang papansin ng aktor-aktoran.
May pumatol naman na isang online showbiz talkshow pero di nila mabanggit ang pangalan ni actor-aktoran kasi nga di nila matandaan ang namesung nito lalo na ang kanyang apelyido.
Marami kasing kapangalan sa showbiz industry itong starlet na actor-aktoran pero ibang apelyido ang kanilang nababanggit.
Sana nga raw nuong kasagsagan ng controversy niya sa isang sikat na female personality ay doon siya gumawa ng hakbang para hindi makalimutan ang kanyang apelyido. Maling-mali raw kasi ang nag-advise sa kanya, kung baga lumipas na ang panahon ng kanyang kontrobersiya.
Kilala mo siya kapatid na Blessie, my dearest Editor, naging kontrobersiyal siya hindi lang kay female star kundi pinag-usapan siya sa may mga pulitikong sangkot…@AbawAh!!!
***
MATAGUMPAY ang proyekto ng TEAM-The Entertainment Arts and Media nuong nakaraang araw sa isang gift giving project sa Child Haus along 1448 Agoncillo St., Ermita, Manila.
Kitang-kita sa mukha ng mga batang may cancer ang kasiyahang ibinigay ng TEAM lalo na ang namamahala sa Child Haus. Dahil bukod sa mga miyembro na nagbigay ng mga laruan, pagkain at personal na gamit tulad ng tuwalya na galing kay Maam Mimay and Nilo Guarte, nag-enjoy din sila sa invited guests tulad nina Mother Ricky Reyes, ang father of Child Haus at ang mabait na Vice Mayor ng Maynila na si Yul Servo.
Nagpapasalamat ang mga officials and members ng TEAM sa aming mga sponsors na nag-share ng blessings tulad nina Princess Revilla, Professor Joel Balason at ang sikat na master rapper Andrew E with wife Mylene.
Ayon sa bagong halal na President ng TEAM, Nonie Nicasio, yearly na itong project na gift giving sa Child Haus, bale pangalawang taon pa lang ito ginagawa sa tulong ng iba pang opisyales tulad nina VPresident (Anne Venancio), Secretary (Maridol Ranoa-Bismark), Asst. Sec.(Maryo Labad), Treasurer (Obette Serrano) Asst. Treasurer (Noel Orsal), Auditor (Wendell Alvarez) PROs (Pilar Mateo and Danny Vibas).
Last May 31, taong kasalukuyan ay nanumpa kami sa harap ng butihing Mayor Vicente Amante of San Pablo City, Laguna at sa kanyang maybahay na si Gem Castillo, dating member ng That’s Entertainment ni Kuya Germs na may plano raw tumakbong Vice Governor ng nasabing lalawigan….#AbawAh!!!