Advertisers

Advertisers

Sunshine tikom sa isyu ng sabong at hiwalayan kay Atong

0 42

Advertisers

Ni Jimi C. Escala

SA gitna ng pinag uusapang isyu ng negosyanteng si Atong Ang ay nananatiling tahimik ang aktres na si Sunshine Cruz.

Wala naman kasing dapat ipaliwanag si Sunshine dahil hindi naman siya sangkot sa isyu, huh!

Ang latest nga ay nagsampa na ng reklamo si Atong laban sa isang alyas Totoy na nagparatang sa kanya at sa aktres na si Gretchen Barretto na sangkot daw sa kontrobersiyal na kaso ng 34 nawawalang sabungero.

Bilang malapit sa aktres ay hiningan namin ng komento si Sunshine hinggil dito.

Pero kagaya ng dati ay ayaw magbigay ng kahit anumang statement ang premyadong aktres.

Tungkol naman sa isyung hiwalay na raw sila ni AA ay wala ring direktang sagot si Sunshine.

Hindi na nga naman sila mga bata na pag uusapan pa ang lovelife nila.

48 years old na si Shine at 66 years old naman si AA and one more thing hindi showbiz ang huli kaya hindi na dapat gawing isyu ang mga bagay na yun.

Sa kabila ng mainit na isyu ay nananatiling tahimik si Sunshine.

Well, Sa ganang amin at sa pagkakakilala namin sa isang Sunshine Cruz ay hindi siya ang tipong nang iiwan sa isang mahal sa buhay sa anumang laban nito, huh!

As long as mahal siya ng tao ay mamahalin din niya ito sa abot ng kanyang makakaya, huh!

***

DEBBIE LOPEZ IIWASAN NA SI JM

VERY much happy ang kapwa namin laking Cebu na si Debbie Lopez sa kanyang post bday celebration kung saan isinabay na rin ang launching ng kanyang Visayan song “Ang Higugmaon Ka” na ginanap sa Symphony Towers.

Sobrang bongga at talaga namang super attended ng mga inimbitahan niyang mga movie press to think na araw ng Linggo yun, huh!

Ang nasabing song ni Debbie na “Ang Higugmaon Ka” ay meron nang more than 16 million views na mapakikinggan sa YT at sa Spotify.

Tungkol daw ito sa isang nagmahal pero may ibang minamahal ang taong mahal niya, huh!

Very timely naman dahil matagal nang crush ni Debbie ang magaling na aktor na si JM de Guzman na we all know na meron nang karelasyon ngayon, huh!

Teary eyed na lang si Debbie nang iparinig sa kanya ang recorded na pagbati ni JM para sa kanyang kaarawan, huh!

Wala pa namang chance na ma-meet in person ni Debbie ang ultimate crush niyang si JM.

Pero sa ngayon mukhang iiwasan muna ni Debbie si JM dahil nga may kasintahan na ang aktor, huh!

Samantala, given a chance ay handa na rin si Debbie na pasukin ang mundo ng showbiz.

Nag workshop na siya under Ogie Diaz kung saan tinanong siya ng sikat na showbiz manager at vlogger kung gusto niya raw mag join sa showbiz.

Dala na rin ng kalituhan ay hindi niya derektang nasagot si Ogie, huh!

Pero handa rin naman daw ang baguhang singer from Cebu at kilalang DJ at cosplayer na magpa manage kay Ogie , huh!

Well, wish namin kay Debbie na sana matupad ang pangarap niyang ma- penetrate ang music industry at maging isang kilalang singer as well as makilala rin bilang isang aktres, huh!