Advertisers

Advertisers

Kahit ilang dekada na sa industry… Marco dinadaga pa rin ‘pag may concert

0 19

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

PINATULAN ni Anne Curtis ang komento ng isang netizen tungkol sa pagkapanalo niya bilang Female TV Host of The Year sa katatapos lang na 53rd Box Office Entertainment Awards.

Nag-post kasi ng congratulatory art card ang ‘It’s Showtime’ sa official socmed account nila kaya nagkaroon ng pagkakataon ang netizen na magkomento at mag-post ng kanyang saloobin na tila kinukuwestiyon nito ang paggawad ng ganoong recognition kay Anne

Komento ng netizen: “Filipino awards are weird. The one who’s always absent got an award. It just lead to interpretation that Philippines show or contest are cooking show.”

Marami ang sumang-ayon sa opinion ng nasabing netizen pero marami rin ang nagtanggol kay Anne.

Maging si Anne ay hindi na nakapagpigil at sinagot nga ang hanash ng kanyang basher.

Ang sagot ni Anne, “@Jared Zafra FYI THIS WAS BASED ON LAST YEAR! When I was in my different hair girl era. Not this year.”

Ni-report pa ni Anne sa X account niya ang post ng isa pang netizen kung saan makikita ang screenshot ng nasabing reply ng aktres sa kumukuwestiyon sa kanyang pagkapanalo.

Tweet ni Anne “Gigil nila ako eh. Hayaan nyo, makakaasa kayo wala akong hosting award next year because I was absent for half of this year, acting for 2 different projects. 1 that I have yet to finish. Happy? Right It’s Showtime?”

Obvious na napikon si Anne.

***

KAHIT ilang dekada na sa music industry at aminado si Marco Sison na kinakabahan pa rin siya kapag may concert siya.

Sa aming interview sa kaniya sinabi niyang marami nga raw ang naglalaro sa kaniyang isip ngayon bago dumating ang Seasons of OPM concert niya na gaganapin sa July 25 sa The Theater at Solaire.

Aminado siyang malaki na rin ang pinagbago ng audience ngayon lalo na sa mga kabataan. Nag-iba na ang taste pagdating sa music at aminado siyang malaki ang naging impluwensya ng KPop at PPop.

Pero base sa experience niya na patuloy pa rin naman ang career, nakakatuwa aniya na sa mga events na pinupuntahan niya, marami pa ring kabataan ang nakakarelate sa mga pinasikat niyang kanta tulad ng My Love Will See You Through at Always.

Kaya naman ang kaniyang nalalapit na concert ay pagbabalik tanaw sa kaniyang musical journey, Para kay Marco, higit pa sa concert ang magaganap.

Sabi pa niya, “This is my way of giving back to the music that has shaped me,I hope this inspires a new generation to embrace OPM and help carry it forward.”

Special guests ang dalawang matalik na kaibigan niya na sina Nonoy Zuniga at Rey Valera. Kasama rin sina Martin Nievera at Vice Ganda. Musical director niya ang nag-compose ng Si Aida, si Lorna o si Fe na si Louie Ocampo